Maddie's P.O.V
PRESENT
Nandito kami sa may airport. Kakarating lang namin ng Pilipinas.
"Finally, after 1 year bumalik na ako sa pinas. Can't relate kasi kayong dalawa." Sabi ni eya sa tabi ko.
"Hindi ka na mahihirapan sa english." Asar ni Majoy kay Eya.
Sa buong stay ko sa New York, sila yung naging sandalan ko. Sinundo kami ng ng boyfriend ni Majoy. Si eya hindi ko alam kung sasama pa ba siya sa amin
sa New York. Pero kaming dalawa ni majoy ay babaik na agad pagkatapos ng kasal ni Tyang Aby. Hindi pwede kaming mag tagal dito sa pilipinas.Dumiresto muna kami sa condo ni Tyang aby. Para ibigay yung pasalubong. Hindi na namin siya pinapunta sa airport kasi nakakahiya naman.
"Aking mga anak ay nagbabalik na." agad kaming niyakap ni tyang.
"Kung hindi ako ikakasal, hindi kayo uuwi nakakaloka kayo ha." Sabi sa amin.
"Tyang sabihin mo yan na dalawa na doctor. Sila talaga ang ayaw na umuwi dito sa pinas." binatukan naman ni majoy si eya.
"Tyang hindi yun totoo masyadong busy kami doon. Atyaka gusto na din namin talaga umuwi kaso hindi okay sa schedule." Sabi ko.
"Kaya nga tyang. buti nga si eya nalibot niya yung New york kahit isang taon lang. Kaming dalawa ni maddie hindi." sabi ni majoy.
"Tyang, yan na dalawa babalik pa. Pero ako dito na ako sa pilipinas." sabi ni eya. Hay talagang batang ito.
"Mabuti naman yan. Babalik na ba kayo ng volleyball. Ang daming fans nag-aabang sa inyo. Lalo na yung team B*yag." Tawa naman kami ng tawa dahil sa sinabi niya.
I miss playing but i don't know if i can still do it. Since being a doctor is really a hard job but i want to save lives.
"Maga start na ang PVL, baka gusto niyong sumali." Dagdag pa ni Tyang.
"Gusto namin tyang pero agad din kasi kaming aalis. Pagkatapos ng kasal mo." Sagot ni majoy.
"Ganyan talaga ang mga doctors. Busy palagi, eh si ate maddie wala pa rin jowa." Tiningnan ko ng masama si eya.
"Masyado ko kasing mahal sarili ko."
"Maniwala sayo." wala akong kakampi talaga sa kanilang dalawa.
"Tama na yan. Kayo pala yung sasama sa akin papuntang palawan.
"Huli tayo tyang?"
"Eya malamang siya yung bride. Alangan siya ang mauna doon."
Prang aso't pusa yan na dalawa, pero mamaya okay na naman sila. Bago kami umalis ay nagselfie kami nila tyang at agad niya naman itong pinost. Hindi ako masyadong updated. I deleted all my social media. I just install it a while ago.
*insert photos*
Abymarano: Bumalik sila dito ng walang pasalubong.
Kiannady: Majoy, maddie, eya asan yung libre ko?
alyssa_valdez2: Namiss ko kayo.
Natawa lang ako sa mga reply nila.
"Ate mads picturan kita, tapos post mo ngayon." Sabi ni eya.
Kaya nag pictorial kami dito sa loob ng condo ko. I posted it already. Ang daming notif agad.
*insert photos*
maddiemadaya: It's nice to be back
📸:eyalaurekatrinamaetolentino: Doc mads. I missed you😭
deannawongst: Ate mads hindi mo sinabi sa amin uuwi ka.
ALE: Madzilla is back.
Me and eya is waiting for our food to arrive.
"Ate mads iba pa din talaga kapag nasa pilipinas ka."
"Kaya. Babalik ka pa ba ng volleyball?"
"Ate mads, oo naman. Pero ikaw bakit ayaw mo ng bumalik."
"Hindi naman sa ayaw. Gusto ko pang bumalik pero takot na ako."
"Sa tingin mo ba galit pa din sila sayo?"
"Ewan. Siguro, i mean hindi ko naman sila masisi. Ako naman talaga may kasalanan."
"Ang selfish mong tao pero in a good way. Ate mads minsan wag mong kalimutan yung sarili mo. Nandito kami pero magtira ka pa din."
"Hindi ko naman yun nakakalimutan."
"Siyempre makikita mo sila sa kasal ni tyang. Kailangan mo ihanda sarili mo."
"Handa na ako."
"Siya handa mo na ba siyang makita?" Natigilan ako sa tanong ni eya.
Handa na nga ba ako?
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
BINABASA MO ANG
Fall
RomanceHindi ko alam kung kaya kitang makita na nasasaktan ng dahil sa akin, kaya ako nalang yung umiwas pero mas lalo kang nasaktan ng dahil sa ginawa ko.