Maddie's P.O.V
PRESENT
Sobra akong naging busy sa loob ng isang buwan. Hindi ko din nakita sila deanna kasi may laro sila. Kaya okay lang lang din.
Today is our second month medyo naka adjust na din kami. Nandito kami ni majoy sa may mall kasi bibili kami gamit para pag balik namin ni majoy may pasalubong kami.
Mas mura dito ang gamit. Naging kuripot kasi kami. Char!
"Jhobea is real na daw. Sinagot na ni jho si bea. Sabi ko naman sayo sila ang endgame. Trending na sila sa twitter." Rinig kong sabi ng mga staff ng mall. Nagkatinginan kami ni majoy.
"Maddie sabihan mo lang ako susugurin ko yan."
"Oh my god si maddie ba yan. Oh my gosh si maddie nga."
"Ay hindi yan si maddie. Multo yan." Bulong ni majoy pero narinig ko parin siya.
Ngumiti lang ako sakanila. Sabi ni tyang nag luto daw siya ng paksiw kaya pumunta daw kami sa bahay niya.
Nasa ibang bansa daw si tyong kaya doon daw muna kami matulog. Ako yung nag drive papunta sa bahay ni tyang kasi tamad na naman si majoy.
Pagdating namin ay agad akong niyakap ni tyang at ni eya.
"Hindi pa naman kami aalis. Kung yakapin niyo ako parang aalis na naman kami ng bansa."
"Ate mads okay lang yan, makakahanap ka din ng tao na para sa iyo. " Sabi ni eya.
"Guys matagal ko ng hinanda sarili ko doon."
"Ate majoy, yung ship natin talagang lubog na."
"Tumigil na kayo niyan, kita niyong nasaktan na si ate niyo maddie." Saway sa kanila ni tyang.
"Kumain nalang tayo, mas gutom ako ngayon."
Kumain lang kami, they tried to avoid the topic. Ganyan na sila noon pa nandiyan sila sa akin palagi.
Kasalanan ko naman eh kung bakit humantong sa ganito. Kung hindi lang ako natakot na ipaglaban siya baka kami na ngayon. Mukhang iba yung itinadhana para sa kanya at alam kong hindi ako yun.
Nag message sa akin si deanna kung nasan daw ako sabi ko naman ay nasa bahay ako ni tyang. Doon daw sana siya makikitulog.
"Tyang sorry talaga, mukhang kailangan ako ni deanna. Bukas nalang tayo mag usap." Sabi ko.
"Okay lang yun maddie, nandito naman sila majoy. Mag ingat ka sa pag drive gabi na."
Umalis na ako at dumiresto sa condo. Nandoon si deanna naghihintay sa labas.
"Ate mads, isang yakap naman diyan." Mukhang malungkot si deanna. Kaya niyakap ko siya agad.
"Anong nangyari deanna, sabihin mo sa akin." Sabi ko sa kanya pumasok na kami sa loob.
"Ate mads ang hirap nung nawala ka."
Nandito kami ngayon sa kwarto para mag usap. Hindi ko naman alam na may pinagdadaanan din pala ito.
"Deanna, nandito lang si ate maddie para makinig. If kailangan mo umiyak then cry. Mas okay kung mailabas mo yan kaysa hindi mo mailabas. Makikinig ako sayo palagi."
"Ate just don't leave me again ah." Tumango lang ako at niyakap siya.
Natulog na kami pagkatapos. Kinabukasan ay hinatid ko si deanna sa condo niya bago ako mag duty. I did my best to smile in front of my patient pero i think nahahalata nila.
"Iha, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ng isang matanda. Ngumiti lang ako at umalis na.
"Dr. Madayag long time no see." Sabi sa akin ni Dr. Tan. Isa siya sa mga mabait na doctor dito.
BINABASA MO ANG
Fall
RomanceHindi ko alam kung kaya kitang makita na nasasaktan ng dahil sa akin, kaya ako nalang yung umiwas pero mas lalo kang nasaktan ng dahil sa ginawa ko.