First Case of Ace

40 6 3
                                    

Sa syudad ng kalookan (sa timog) ay may isang binata na nangangalang Ace. Siya ay mahilig sa mga bagay na punong-puno ng pala-isipan at paglutas ng mga kaso na dulot ng panonood ng Detective Conan.
Hating gabi ng 11:30pm na noo'y natutulog na ang ibang mga tao ng biglang may narinig siyang sigaw sa tapat ng kaniyang bahay kaya agad siyang lumabas at inusisa ito.

Nakita niya ang kaniyang kaibigan sa tapat ng labas ng bahay nila kaya tinanong ni Ace ang kaniyang kaibigan "ano ang nanyari" at sinabi niya "di ko alam kung bakit may sumigaw sa loob ng bahay namin."

Kaya't binuksan ng kaniyang kaibigan ang pinto nila upang tignan ito subalit sa sobrang dilim wala silang makita kaya agad binuksan ng kaniyang kaibigan ang ilaw at nakita nilang dalawa na naliligo ang kaniyang ina sa sariling dugo nito at ang kasambahay sa di-kalayuan. Dahil sa sigaw nagising ang asawa.

Kaya agad sinuri ni Ace ang bangkay pinulsuhan at sinabi "huli na ang lahat" at napansin ni Ace ang sanhi ng pagkamatay ay pagpalo ng matigas na bagay sa ulo nito.
Napansin ni Ace ang box money safe na ito'y bukaś at sa harap naman ay may isang uri ng de-keypad na may numero na mula 0-9 at sa bandang itaas naman nito ay mayroong apat na box.

Sa bandang kanan naman nito ay may 4 na iba't-ibang uri ng kulay mula taas hanggang pababa ito ay may kulay na brown, red, green, at blue na hugis bilog na maliliit.
At sa ding-ding na kinalalagyan ng box money safe ay may hugis TRIANGLE na BROWN, DIAMOND na RED, CIRCLE na GREEN at STAR na BLUE. Habang na nanaliksik si Ace sa crime scene dumating ang mga pulis at tinanong ang mga tao sa loob ng bahay kung ano ang ginagawa nila ng 11:30pm ang oras ng pagkamatay ng babae.

•Anak "Galing po ako sa mga kaibigan ko at umuwi ngayong gabi pagkatapos may narinig akong sumigaw kaya pumasok ako sa loob upang tignan subalit sa sobrang dilim kinakailangan kong buksan ang ilaw at nakita ko ang aking ina" sabay iyak.
•Kasambahay "Nasa kusina po ako ng mga oras na iyon at may narinig akong kakaibang tunog sa sala kaya tinignan ko at nakita ko ang lalaking pumalo kay madam kaya po napasigaw ako at tumakbo ang magnanakaw."
•Asawa "Nasa kwarto po ako ng oras na iyon natutulog at may narinig akong sumigaw kaya nagising ako upang tignan ito at nakita ko ang asawa ko na patay na." malungkot niyang sinabi.

At habang tinatanong ang anak, ama at kasambahay, kinuha na ng SOCO ang bangkay at may nakita si Ace sa kinalalagyan ng bangkay ang magsisilbing dying message na magtuturo sa killer. Ito ay may numero na 13 1 9 4 ng makita ni Ace ang numero agad niyang nalaman ang kahulugan nito at matapos tanungin ng inspector ang tatlong suspect sa loob ng bahay biglang tinanong ni inspector sa tatlo kung sino ang binata na paikot-ikot sa crime scene narinig ito ni Ace at sabi "Ako po ba inspector? Ace Brillantes isang Detective!"(Maangas niyang pagpapakilala sa lahat) subalit sumagot si inspector "Bawal ka dito bata! Crime scene ito pulis lang ang pwede dito." (Funny moment).

Umalis nga si Ace sa crime scene gaya ng sinabi ni inspector at habang nasa labas si Ace iniisip niya ang kahulugan ng mga simbolo sa ding-ding na TRINGLE, DIAMOND, CIRCLE at STAR. Habang iniisip niya ang bagay na ito may naririnig si Ace sa di-kalayuan na dalawang pulis na nag-uusap,
•Police 1 "Bes! Alam mo ba na naligaw ako kanina at limang iskinita ang nilikuan ko! Hehe, ang engot diba?"
•Police 2 "Grabe bes! kabisadong-kabisado ang bilang na nilikuan mo ah, haha."

At biglang tumawa si Ace dahil dito tinanong siya ng dalawang babaeng pulis "Bakit ka tumatawa? Nakikinig ka sa usapan namin noh!?" sumagot si Ace "tumatawa po ako hindi dahil naligaw kayo kundi binabilang niyo ang bawat kantong nilikuan nyo at dahil po dun nasagot nyo ang kahulugan ng TRIANGLE, DIAMOND, CIRCLE at STAR." at pagkatapos noon ay nagpasalamat si Ace samantala ang dalawang pulis ay takang-taka sa pinagsasabi ng binata.
Masayang sinabi ni Ace sa sarili niya "Sa wakas malapit ng makumpleto ang deduksyon ko, kilala ko na ang killer, alam ko na din ang kahulugan ng mga simbolo at ebidensya nalang ang kulang!"
Kaya hinanap ni Ace ang matigas na bagay na pinangpalo sa biktima subalit siya ay nabigo sa paghahanap dahil dito nag-isip si Ace ng paraan kung papaano makakahanap ng ebidensya at pumasok sa isip niya na siyasatin ang tatlong suspect mula ulo hanggang paa.

              ACE THE DREAMERWhere stories live. Discover now