Ring ring ring (Phone alarm)...
Nagising si Ace at bumangon upang mag-asikaso papunta paaralan.
"Oy Ace ikaw pala, Aga mo ah" Sabi ni Wu.
"Syempre masipag tayo eh" Pabirong sabi ni Ace.
"Haha masipag? Masipag kamo magbasa ng mga mystery novel gamit ang wattpad" Pabirong sabi ni Wu.
"Ano ngayon?" Sabi ni Ace.
"Haha, Oh Ayan nobela na naman ang binabasa mo" Sabi ni Wu.
"Pabayaan mo nga ko" Sabi ni Ace.
"Nga pala may quiz ata tayo mamaya sa science baka di mo alam baka nakalimutan mo na kakabasa ng mystery novel hehe" Pabirong sabi ni Wu.
"Ay Oo nga pala haha" Sabi ni Ace.
"Oh diba nakalimutan mo na dahil sa mystery novel mo haha" Sabi ni Wu.
"Oy alam ko yun di ko nakalimutan yun" Pabirong sabi ni Ace.
"Talaga ba, Pre" Pangiting sabi niya.
"Pero mamaya pa naman yun pagkatapos ng break time kaya mahaba-haba pa ang rerebyuhin mo." Sabi ni Wu.
Maya-maya dumating si Zafozes Norer.
" Oy pre yung crush mo nandiyan" Pabirong sabi ni Wu.
"Hoy ano ka ba di ko crush yan manahimik ka nga diyan" Sabi ni Ace.
"Ayie, Kunwari pa" Pabirong sabi ni Wu.
At umupo si Zefozes Norer sa tabi ni Ace sa kaniyang upuan.
"Sge pre maiwan ko muna ako diyan baka makaistorbo ako sainyong dalawa eh" Pabirong sabi ni Wu.
"Parang ewan tong si Wu kung ano-ano pinagsasabi" Sabi ni Ace.
At nagpatuloy sa pagbabasa si Ace ng nobela.
"May quiz ata tayo sa Science mamaya" Sabi ni Zefozes.
"Ganun ba sige salamat" Sabi ni Ace.
Kaya nagsimula na si Ace magbalik aral sa Science at hininto ang pagbabasa ng nobela.
Makalipas ang ilang oras sila'y kumain(Break time) pagkatapos pumunta na sa loob ng room.
"Ok class may quiz tayo ngayon kaya magreview na kayo at maya-maya magquiz na tayo, ok" Sabi ng guro.
"Yes ma'am" Sagot ng lahat.
"Parang kayo mga bata" pabirong sabi ng guro.
Makalipas ang ilang minuto nagsimula na ang kanilang pagsusulit (quiz).
Habang kasalukuyang silang sumasagot sa pagsusulit napansin ni Ace na may kaduda-dudang galaw ang tatlo niyang kaklase na sina Jason, Reymark at Jessica.
"Bakit yuko nang yuko si Jessica at ba't may coca-cola sa ilalim ng upuan niya? Saka kanina pa galaw nang galaw ang kamay ni Jessica" Tanong ni Ace sa kaniyang isipan.
Pagkatapos ng pagsusulit sila'y nagpalitan ng papel upang tsekan (Check) at mula naman sa harapan sinabi ng guro nila ang mga sagot.
At pagkatapos nito binanggit isa-isa ang pangalan ng bawat isa sa kanila upang ilagay ng guro ang puntos (Score) sa kaniyang listahan (record book).
"Jason" Tawag ng Guro.
"45 po Ma'am" Sabi ng isang kaklase ni Ace.
"Reymark" Tawag ng Guro.
"45 din po ma'am" Sabi ng isang kaklase ni Ace.
"Wow! himala ang tataas ng score niyo ah" Sabi ng Guro.
"Ace" Tawag ng Guro.
"49 po Ma'am" Sagot ng kaklase ni Ace.
"Zefozes" Tawag ng Guro.
"49 po Ma'am" Sabi ni Jessica.
"Nagkopyahan ba kayo ni Ace" Pabirong sabi ng Guro.
Napangiti lang sina Ace at Zefozes.
"Jessica" Tawag ng Guro.
"45 po Ma'am" Sabi ni Ace.
Pagkatapos nito umalis na ang Guro nila sa Science.
Nilapitan ni Ace si Jessica upang kausapin,
"Jessica, Alam ba na ang isa sa mga mahalagang kasabihan O quotes ng school ay 'Honest is the best policy' sang-ayon ka naman tama?" Sabi ni Ace."Oo, bakit?" Tanong ni Jessica.
"Mahusay ang ginawa niyong plano ni Jason at Reymark napaka perpekto at hindi kayo makapaghihinalaan dahil nga malalayo ang kinauupuan niyo" Sabi ni Ace.
"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ni Jessica.
"Simple lang sinasabi mo ang sagot sa kanilang dalawa gamit ang sign language (Hand Alphabet) sa mga kamay mo mula A hanggang D at mula sa kabilang section na katabi ng room natin kinausap mo ang kaibigan upang isulat ang sagot at mula naman sa coca-cola ito ang nagsisilbing hint sa ibang sagot at ang mga sagot. " sabi ni Ace.
"Ahh.. ano ba gusto mong sabihin?" Tanong ni Jessica.
"Gusto mo ba ng ebidensya?" Tanong ni Ace.
Kaya kinuha niya ang coca-cola ito ay may mga sulat gamit ang pentel pen at tinanggal ang laman ng coke na nasa kalahati dahil dito lumitaw ang mga sagot sa (Agham) Science.
"Ito ang tinutukoy ko" Sabi ni Ace habang hawak ang bote.
Dahil dito hindi nakapagsalita si Jessica.
"Hindi ko naman intensyon pahiyain kita O saktan kasi gusto ko maging honest ka lang, kasi wag mong hayaan na dumating sa punto na pahiyain ka ng guro natin sa harap ng mga kaklase natin at maKick-out ng school, Sa halip turuan mo ang mga kaklase natin sa tamang paraan at hindi sa pamamagitan ng pandaraya kasi mas lalo mo silang tinuturuan maging tamad at ikaw naman nagiging iresponsable dahil sa gingawa mo. Tulad ng sinabi ko hindi ko intensyon pahiyain O saktan. Payong Classmate lang, Ayun lang naman" Sabi ni Ace.
At dumating na ang sumunod na guro nila at makalipas ang ilang oras nag-uwian na sila.
"Sabay ka ba uli saming tatlo?" Tanong ni Zefozes
"Sige lang" Sabi ni Ace.
At nagsabay nga silang apat na umuwi at nanalangin si Ace bago natulog.
YOU ARE READING
ACE THE DREAMER
Mystery / ThrillerACE THE DREAMER (Mystery Novel) Written by: Isaiah O. Delaroso ---------------------------------------------------- ACE THE DREAMER By: Delaroso, Isaiah O. All right reserved ...