A Mystery Behind The Calendar

20 5 0
                                    

May narinig si Ace na nakakatakot ang boses

Someone POV
"Lutasin mo ang kasong ito O maliban nalang mananatili akong misterio"

Pagkarinig nito, unti-unting dumilat ang kaniyang mga mata at siya ay bumangon.

May narinig siyang sirena ng patrol car sa labas sumilip siya sa bintana subalit hindi niya natatanaw ang kilalagyan ng tunog.

Kaya lumabas siya upang tignan ito at nakita niya ang bangkay na nilalagyan ng Safety Caution Tape at mga pulis.

May napansin si Ace sa tabi ng bangkay na isang kalendaryo 'July' at may maliit na papel na nakasulat subalit sa layo ng distansya di niya masyadong makita ang nakasulat.

Kinuha ng isang officer na naroon ang kalendaryo at ang maliit na papel at ibinigay sa inspector habang binabasa niya ang nakasulat natapik ng isang naka-sibilyan ang binabasa ni inspector.

Dahil dito nahulog ang papel at tinangay ng hangin papunta sa kinaroroonan ni Ace.

Pinulot niya ito at binasa "Lutas1n mo ang kasong 1to O mal1ban nalang mananat1 1tong m1ster1o"
At inibot ni Ace ang papel sa inspector.

Makalipas ang isang oras sa kabilang barangay naman may nanyari uling pagpatay.

Agad pumunta si Ace upang alamin ang nanyari tulad nang na una may kalendaryo sa tabi nito subalit 'August' naman ang nakalagay at may maliit na papel din ang nakasulat tulad lang din nang na una.

At lumipas uli ang isang oras may nanyari uling pagpatay sa kabilang barangay kapareho lang nang na una subalit 'September' naman ang nakalagay dito.

Dahil dito napuno na si Ace sa galit

Ace POV
"Humanda ka sakin krimal ka! Kapag nahuli kita pinapangako kong pagbabayaran mo ang mga nagawa mo! Ako mismo huhuli sayo! Di ko hahayaang may mamatay pa! (May isang oras ako para mapigilan siya balak niya)"

Dahil dito iniisip at sinuri ni Ace ang mga naunang namatay.

Ace POV
"Ang tatlong kategorya sa pag-iimbestiga ay Lugar ng pinanyarihan ng krimen, pag-iimbestiga sa bangkay at paghahanap O pagkuha ng mga matibay na ebidensiya.
At ang mahahalagang mga clue ay ang kalendaryo sa tabi bangkay na July, August, at September.
At yung kakaibang sulat na nalagay sa papel. Ano kaya ang kahulugan ng mga ito? Pero dahil doon alam kong iisa lang ang may kagagawan nito.
Sandali may napansin din pala ako na kaduda-dudang tatlong mga tao sa tuwing may namamatay lagi silang nasa crime scene"
(Sabi niya sa kaniyang isipan)

Dahil dito nag-imbestiga si Ace at naghahanap ng iba pang mga clue upang arestuhin ang killer.

At nang papalayo si Ace sa Crime scene bigla siyang tinawag ng pulis,
"Pst! Ikaw, Halika rito kakausapin kita"

"Bakit po" Sabi ni Ace.

"May tanong lang ako sayo, Ba't lagi ka nasa crime scene sa tuwing may nagaganap na pagpatay"
Pagdududang tanong ng pulis.

"Isa po akong Detective" Sagot ni Ace.

Dahil dito natawa ang pulis
"ikaw isang Detective? Ang bata mo pa para maging Detective. Ilan taon kna ba?" Tanong ng pulis

"Tumawa po kayo hangga't gusto mo pero ito lang ang maipapangako ko sayo! Ako ang makakalutas ng kasong ito" Sagot ni Ace na may paninindigan

Patuloy na tumawa ang pulis habang papalayo si Ace. Hindi pa siya nakakalayo sa crime scene biglang pumasok sa isip ni Ace ang mga kaduda-dudang tao kaya hinanap niya ang mga ito sa crime scene nang oras ding iyon.

              ACE THE DREAMERWhere stories live. Discover now