Nagising si Ace kasabay ng pag-alarm ng cellphone pagkatapos nag-asikaso na para pumasok.
Nang siya ay nasa BCP na papasok ng room may nakita siyang magandang babae na nagpatibok ng puso niya.
Habang nagsisimula ang klase napansin niya ang mga estudyante sa labas ng room nila.
Napansin din niya ang babaeng nakita niya kanina bago pumasok ng room.
" Ok klase, May magiging bago kayong mga kaklase GAS Student din gaya niyo."
Sabi ng guro.Nagpakilala sila isa-isa at pinag-talent sa harapan.
Sabi ng napusuang babae ni Ace
"Ako po si Zoeso Norer, 18 taon at nakatira sa south Caloocan""Anong talent mo?"
Sabi ng guro."Magma-magic po sir"
Sabi ni Zoeso Norer.Si Norer ay may plastik na ginupit na pabilog at may lobo, Kinaskas niya ang dalawang ito sa kaniyang ulo at ang plastik ay lumulutang katapat ng lobo.
Ang lahat ay namangha sa nanyari ito at siya ay pinaupo na sa tabi ni Ace.
"Magic? Hindi totoo ang magic" Sabi ni Ace kay Norer habang nakatingin sa lalaking nagpapakilala sa harap.
"Ahh?" Sabi nito.
"Sa tingin ko mahilig ka sa Science" Sabi ni Ace.
"Ahh, Pano mo nasabi?" sabi ni Norer.
"Dahil ang ginawa mo ay Science at hindi magic" Sabi ni Ace.
Idinugtong pa ni Ace. " Since the ballon and plastic are both negative charge, They repel each other causing the band to float!"
"Mahilig ka din ba sa Science?" Tanong ni Norer na may pagkamangha.
"Hindi" Sagot niya.
"Kung ganun, paano nalaman ang ginawa ko ay Science?" Tanong ni Norer.
"Ang hilig ko ay paglutas ng mga kaso, Misteryo at pala-isipan. Dahil walang lihim na hindi nabubunyag at sa huli iisa lang ang katotohanan" Sagot ni Ace.
Pabirong nasabi ni Norer sa kaniyang isipan 'Ang layo naman ng sagot nito'
Ngunit ito naman ang nasa isip ni Ace. 'Sa katunayan nakita ko lang sa facebook yun kanina bago pumasok, hehe'
"Maiba ako, Ba't nabuwag ang seksyon niyo?" Tanong ni Ace.
" Nasa 15 student lang kami sa room kaya idinagdag nalang kami sa ibang room na kulang" Sagot ni Norer.
At dumating ang 12nn oras ng break time at kumain sila.
"Detective!" Pabirong sabi ni Wu.
"Bakit?" Sagot ni Ace.
"Kain tayo sa baba" Sabi ni Wu.
"Sige, Bibili lang ako ng ulam sa canteen. Dito ako kakain sa room" Sabi ni Ace.
"Anong ulam bibilhin mo?" tanong ni Wu.
Bumaba nga sila at doon ay nakita ni Ace si Norer na kumakain kasama ng dalawa niyang kasama na nabuwag na seksyon.
" Isang order nga po sa adobo" Sabi ni Ace sa tindera.
Pagkatapos nilang bumili umakyat na sila sa room.
Nang mag-uuwian na sila tinanong siya ni Norer.
"Saan ka umuuwi?" Tanong nito.
"Sa bahay" Pabiro niyang sabi.
"Saan nga?" Tanong ni Norer.
"Biro lang, Sa south Caloocan din ako sa bagong barrio" Sagot niya.
Biglang nagsalita si Angel sa gitna ng pag-uusap ng dalawa.
"Sabay kana samin, Tutal iisa lang naman ang daan natin, Ayiiee" Pabiro sabi ni Angel sa dalawa.
Si Angel ay madaldal at makulit na babae samantala ang isa pa nilang kasama na si Justine ay tahimik.
"Mmmmmm.....??" Pag- iisipin ni Ace.
"Hay nag-isip pa" Sabi ni Angel.
"O sge na nga" Sabi ni Ace.
"Ayiee, Ito na pagkakataon mo sis, Magkaka-Jowa ka na" Pabirong sabi ni Angel.
Ginawa ito ni Angel dahil nakita niya ang dalawa na nagkakamabutihan kanina sa loob ng room.
Umalis na nga sila na magkakasabay-sabay at habang nasa daan biniro ni Angel ang dalawa.
"Layo tayo ng konti justine baka maistorbo natin ang dalawang nagkakamabutihan dito, Ayiie" Pabirong sabi ni Angel.
At ng nasa terminal na sila ng jeep sumakay na sila at umuwi sa kani-kanilang bahay.
Kumain siya bago natulog at na nalangin bago natulog.
---- FOLLOW ka naman :) ----
--Don't forget to VOTE each Chapter--God bless you readers!🙏😇
YOU ARE READING
ACE THE DREAMER
Mystery / ThrillerACE THE DREAMER (Mystery Novel) Written by: Isaiah O. Delaroso ---------------------------------------------------- ACE THE DREAMER By: Delaroso, Isaiah O. All right reserved ...