RADIO
"Balita! Babae patay matapos masaksak sa katawan ng hindi pa nakikilala salarin at ayon sa saksi may nakita siyang tatô na iluminate (Triangle na may mata sa gitna)sa kanang braso nito. Tumangging kuhaan ng pahayag ang saksi dahil natatakot siya na baka siya ang isunod kaya pinapayuhan ang lahat na wag lumabas ng hating gabi"Habang naglalakad si Desifer may narinig siyang nag-uusapan na mga kababaihan
Girl 1
"Bes, Alam mo niyo na ba yung balita kagabi? Isang serial killer ang gumagala sa lugar natin "Girl 2
"Oo bes, Nakakatakot sabi sa TV kagabi ginahasa pa daw yung babae pagkatapos patayin kaya mag-iingat tayo"Girl 3
"Grabe nakakatakot nga eh! Nagdududa ang mga pulis kung bakit may teddy bear daw sa tabi nito at iniwan ng killer ang kutsilyo sa tabi rin nito. Dahil dito mas lalong natatakot ang mga tao dahil sa napapanood nila sa balita"Kinabukasan may nabalitaan na naman na may pinatay at isang babae uli ang namatay.
TELEVISION
"Balita! Mag-iingat ang lahat ng mga kababaihan sa pagsapit ng hating gabi may serial killer na gumagala sa lugar ng bagong barrio sa syudad ng kalookan at napag-alaman na iisa lang ang may pakana ng lahat ng ito kaya pinapayuhan ang lahat na wag ng lalabas kung wala naman mahalaga ang gagawin""Sa totoo lang, Namamangha talaga ako sa mga serial killer dahil sa mapaglaro nilang krimen"
Pangiting sabi ni Desifer sa sarili.Kaya nag-imbetiga si Desifer tungkol sa pagkakakilanlan ng dalawang babae.
Nalaman niya na ang dalawang babae ay mga nagbebenta ng pananadaliang aliw(Prostitute),
Jenny Tapayo, 28.
Mariel tamagos, 29.Sabi ni Desifer.
"Kaya pala sa gabi ang pagpatay ng serial killer. Sandali kung ganun maghahanap ako ng mga bar dito bukod sa mga namatay na. Malamang ang susunod niyang pupuntiryahin ay ang mga kalapit lang din sa lugar na may bar na kung saan may namataang pagpatay"Naghanap nga si Desifer ng bar na di pa napupuntirya ng serial killer.
"Pero wala pa akong lead kung saan ang isusunod niya?" Tanong ni Desifer sa kaniyang sarili.
Kaya patuloy siya sa pag-iisip upang malaman ang isusunod ng killer.
"Pero sandali may sinabi ang saksi na babae tungkol sa killer may nakita siyang iluminate sa kanang braso teka may naisip ako tignan ko kaya sa google map ang mga lugar na pinuntirya ng killer baka sakaling may makita akong lead doon" Sabi ni Desifer sa sarili.
Dahil dito naghanap siya sa google map at nakita niya na ang dalawang pangalan ng bar at 500metro ang layo ng dalawang lugar na may namataang pagpatay
Ang dalawang bar na napuntirya ng serial killer.
• Sniper Bar
• Jer Night Club BarSubalit may mga bar na nakita si Desifer na kalapit sa lugar ng dalawang pinuntirya ng killer.
Dahil dito patuloy siya sa pag-iisip kung saan ang isusunod ng killer.
" Dapat maunahan ko ang killer sa isusunod niyang krimen pero alin sa mga bar na ito ang isusunod niya?" Tanong niya sa sarili.
Habang nakatingin sa google map naalala niya ang iluminate na sinabi ng saksi.
" Sandali kung ang iluminate ay hugis triangle na rito ang isusunod ng pupuntiryahin pero walang bar na nakalagay dito sa google map. Aha! Alam ko na yung Mike & Shobe Bar Malapit sa unang sigaw balintawa, W service rd'. Di lang nakalagay sa mapa pero may bar na malapit dun! Muntik na niya ko maisahan doon ah." Napangiting sinabi ni Desifer sa kaniyang isipan.
YOU ARE READING
ACE THE DREAMER
Mystery / ThrillerACE THE DREAMER (Mystery Novel) Written by: Isaiah O. Delaroso ---------------------------------------------------- ACE THE DREAMER By: Delaroso, Isaiah O. All right reserved ...