"Ok klase maya-maya aalis na tayo ihanda niyo na ang mga gamit niyo at magsama-sama kayo para di kayo mahalo sa ibang section" Sabi ng Adviser.
At sabay-sabay silang sumagot.
"Opo sir" Sagot nila.
At nainasikaso nga nila ang mga gamit nila at biglang bumisina ang bus.
"Mga anak nakahanda na ba mga gamit niyo tayo na ang susunod na papasok sa bus" Sabi ng Adviser.
"Nakahanda na po ang lahat sir" sabi nila.
Pagkatapos pumasok na sila sa loob ng bus at makalipas ng ilang oras dumating na sila sa patutunguan nila.
"Nandito na tayo, pumila ng maayos at walang magtutukan di na kayo mga bata mga senior high school na kayo ah, paki usap wag niyo na po pasakitin ang ulo ko mga bata" Sabi ng adviser sa kanila.
Pangiting sabi ni Wu. "Ace, Kasama ka pala sa camping"
"Hay nako, nandito pala ang isang to" Sabi ni Desifer sa isipan.
"Halata naman dahil nandito ako" Sabi ni Desifer.
"Haha, Sungit mo naman ang aga-aga hehe." Sabi ni Wu.
"Ikaw ba naman ang makita ko eh" sabi ni Desifer.
"Haha komedyante ka pala" Sabi ni Wu.
"Di naman ako nagpapatawa eh"Sabi ni Desifer.
"Lumakad kana nasa malayo na ang mga kaklase natin wag ka tumingin dito sa likod" Sabi ni Desifer.
Lumakad nga sila at nagsama-sama bawat seksyon at kumain.
"Sir ?saan po ba ang C.R dito?" Tanong ni Desifer.
"Diretso ka lang Ace tas kumanan tas makikita mo na ang C.R" Sagot ng Adviser.
"Salamat sir" Sabi niya.
Nang papunta si Desifer sa C.R may nakita siyang tatlong lalaki na nag-aaway.
Someone POV
"Hoy! Daniel inagaw mo na nga si kate sakin tapos inakawan mo pa ko!"
Sabay suntok ng malakas."Tara na iwanan na natin yan mang-aagaw na yan!"
Napangiti nalang si Desifer sa narinig niya.
At pagkatapos magC.R pumunta na siya sa mga kaklase niya, Maya-maya nakita ni Desifer na dumaan ang lalaking sinuntok.
"Magkakaroon tayo ng mga mga activities at mag-enjoy lang kayo" sabi ng Adviser.
N agsaya sila sa activities na ibigay sa kanila ngunit sa gitna nang pagsasaya nila si Desifer ay papunta uli ng C.R ng biglang may sumigaw.
kaya agad niya itong pinuntahan at nakita niya na nakahilata ang lalaking sinuntok kanina kaya nagsimula siya suriin ito.
"Wala na siyang pulso, sandali may naaamoy ako sa biktima, Ang amoy na ito ay isang potassium cynide"
Sabi ni Desifer."Mawalang galang na sinong unang nakakita sa biktima?" Tanong ni Desifer.
"Ako po" Sagot ng babae.
"Anong pangalan mo?" Tanong ni Desifer.
"Dianna po" Sagot niya.
"Yang kasama mo, Anong pangalan mo?" Tanong ni Desifer.
"Rose Ann po" Sagot niya.
"Anong nanyari rito bago niyo siya naabutan at anong koneksyon mo sa lalaking ito?" Tanong ni Desifer.
"Pinsan ko po si Daniel at ito naman pong kasama ko kaklase niya, Nang hingi kasi si Daniel sakin ng tubig at nung gagamitin ko na yung inumin ko hinanap ko siya para gamitin ang inumin ko saka naman sumunod ito si Rose Ann" Sagot ni Dianna.
YOU ARE READING
ACE THE DREAMER
Mystery / ThrillerACE THE DREAMER (Mystery Novel) Written by: Isaiah O. Delaroso ---------------------------------------------------- ACE THE DREAMER By: Delaroso, Isaiah O. All right reserved ...