Biglang tumunog ang phone ni Ace at bumangon na siya sa higaan para mag-agahan siya'y bumili ng pandesal at kumain sa loob ng bahay.
Ace Brillantes POV
(Ako si Ace Simpleng tao lang at simpleng namumuhay, madalas tumatawag lang ang mga magulang ko sa phone kapag magpapadala ng pera kasi lagi silang busy sa trabaho at dahil doon ako lang naiiwan mag-isa dito sa bahay. nitong mga nagdaang linggo madalas nakakapanaginip ako ng mga kakaibang bagay gaya paglutas ng kasô at pagdecode ng mga code at pagbuo ng mga puzzle gaya ng mga napapanood ko sa movie at Detective Conan.
Nakakatawang isipin na parang totoo ang mga panaginip ko.
Muntik ko na makalimutan Desifer ang tawag nila sakin dito ng mga kaibigan ko dito sa amin siguro dahil nakikita nila akong mahilig sa paglutas ng mga kasô at mag-Decode.)pagkatapos mag-agahan siya ay naligo na upang pumasok sa paaralan ng 'Bestlink College of the Philippines' pagbihis niya, sinara niya ang pinto ng bahay at sumakay na ng jeep.
Pagpasok ng skwelahan hinanap niya ang (Grade 12) room 420 na nakalagay sa papel na binigay sa kaniya ng kahera ng pagEnroll niya. Pagpasok niya sa room 420 nakita niya na bago na ang mga kaklase niya at upumupo siya sa harapan kung saan walang masyadong umuupo.Pagpatong ng 8am dumating ang lalaking proffesor at nagpakilala siya "So, Good morning mga maam at sir. I'm Ledor Salos ako ang magiging advicer niyo at hawak kong subject ay history" idinugtong pa niya "Magpakilala kayo isa-isa sa harapan at ito ang mga pagkakasunod-sunod ng sasabihin niyo Name, address, hobbies at talent niyo."
Si Ace ang nauna dahil siya ang nasa unahan "I'm Ace brillantes AKA 'Desifer', 315 Kapayapaan st Caloocan City, Ang hobby ko ay mag-gitara at ang talent ko po ay maglutas ng mga kasô at mga pala-isipan." at pagkatapos magpakilala ang lahat ng mga kakalse ni Ace.
Pagsapit ng 10am dumating naman ang kasunod na proffesor "Ako si sir. Cris Seraza ang magiging Math teacher niyo wag kayong aantukin sa subject ko ah" pabirong sabi.
At tulad nang naunang guro nagpakilala silang lahat sa harapan isa-isa at pagkatapos sila ay nag-break time para kumain.
Kinausap si Ace ng Isang kaklase niya na si Joshua wu "Pre, Mahilig ka din pala sa mga code at paglutas ng kaso na parang si Sherlock Holmes" Masayang sabi nito.
"Oo, Bro bakt.? Wag mong sabihin saking mahilig ka din sa mga paglutas ng mga kaso at puzzle" Naka-ngiting sabi ni Ace.
"Oo, Pre mahilig din ako dun. Kung ganun baka magkasundo tayong dalawa" Masaya niyang sabi at idinugtong pa niya "Tara, pre Punta tau ng canteen sa babà bili tayo ng makakain at magkwentuhan na din tayo tungkol sa mga detective at ano nga pla ang pwede kong itawag sayo?"
"Sige bili tayo at tawagin mo nalang akong Desifer" Sabi ni Ace.Kumain sila at nagkwentuhan At pagkatapos nito bumalik na sila sa room at tulad noong una nagpakilala sila isa-isa at ang mga sumunod niyang proffesor ay sina ma'am Acilegna morales Practical Research subject, Sir Arthur Santos Media subject, Ma'am Danica Dela Cruz Pre-Calculus subject, Rachel Fernando Biology subject, Michelle Makapagal Work immersion subject
pagsapit ng gabi 7pm Nag-uwian na ang mga estudyante at si Ace ay umuwi na. Pagpasok sa loob ng bahay humiga na siya at pagbukas ni Ace sa phone niya nakita niya si Joshua wu na nag-message request.
"Desifer, kung isa ka ngang taga-hanga ni Sherlock Holmes at ni Conan Edogawa Paki decode nito '753r6 3v17C373b' Good Luck"
Dahil dito hindi siya nakatulog at todo isip si Ace kung papaano ito madidecode. Inisip niya na baka nasa alphabet ang mga numero pero bigo siyang madecode ito haggang umabot na ng 6am hindi parin niya naiisip kaya pansamantala niya muna niya itong hindi inisip at nag-asikaso siya para pumasok.at ng nasa eskwelahan na siya kinausap siya ni Wu "Desifer ba't ang laki ng eye bag mo?" tanong nito.
Ngunit hindi umimik si Ace at pagpatong ng 12nn nagbreak time sina Ace at niyaya ni Joshua Wu kumain si Ace "Desifer babá tayo bili tayo ng pagkain" at pumayag naman siya. Pagbabá nila para bumili sinabi kaniya ng tinderong bakla "Wag kayong magsisikan baka matapon yung mga pagkain" si Wu ay nauna na sa taas at pagkatapos dumaan si Ace sa C.R at doon ay may nakita siyang salamin at napansin niyang nakabaliktad ang nakalagay sa pangalan ng I.D niya kaya napangiti siya.Umakyat siya sa taas at doon ay kinausap siya ni Wu "Sandali pla Desifer, Napansin mo ba ang message ko sayo kagabi?" tanong nito.
"Oo, bakit?" sagot ni Ace. "Ano nasagot mo ba ang code na isenend ko sayo ko sayo?" Tanonong niya.
"Oo, Salamat sa papuri" pa-ngiting sinabi ni Ace.
"Hala! Kung ganun nasagot mo na nga! Pano mo nalaman" Pasigaw niyang sinabi.
"Wag ka namang sumigaw katabi mo lang ako" sabi ni Desifer. Idinugtong pa niya "Yung code na '753r6 3v17C373b' ang kahulugan nito ay Great Detective. ang bawat numero ay katumbas ng mga letra gaya ng 5=a, 7=t, 3=e, 6=g at ang 1=i Nalutas ko ang pala-isipang ito nang makita ko ang pangalan ko sa I.D na nakabaliktad at sinubukan kong isulat ang code na binigay mo sa kamay ko at itinapat ko lang sa salamin at nabuo ang salitang Great Detective madali lang pala siyang ma-decode." sagot ni Desifer. (sinabi niya ito para maging astig siyang tignan pero ang totoo di siya nakatulog para lang ma-Decode ito)
"Wow mahusay!" sabi ni Wu.At lumipas ang mga oras sumapit ang 7pm oras ng uwian.
"Desifer, Sabay na tayo umuwi" sabi ni Wu.
"Bakit taga-saan kaba?" tanong ni Desifer.
"Taga Caloocan din ako" sagot ni Wu.
"Oh sige" Sabi ni Desifer.Nagsabay sila papuntang terminal ng jeep at habang nasa daan nagkukuwentuhan sila tungkol sa paglutas ng mga misterio at paglutas ng mga kasô.
Pagdating sa bahay humiga na si Ace at nanalangin bago matulog sa sobrang antok nakalimutan na niya isara ang pinto.--------Chapters will come soon------
Don't forget to FOLLOW and VOTE for more chapters.✏️📕🕵
-God bless you😇
YOU ARE READING
ACE THE DREAMER
Mystery / ThrillerACE THE DREAMER (Mystery Novel) Written by: Isaiah O. Delaroso ---------------------------------------------------- ACE THE DREAMER By: Delaroso, Isaiah O. All right reserved ...