History of Karate

7 2 0
                                    

""Hmm... Ano ayun ba't ang ingay?" sabi niya.

"Hala! Late na ako sa school" Dugtong ni Ace.

Kaya agad siya nag-aasikaso.
Nang nakabihis at naka-uniform na siya bigla niya naalala na wala palang pasok dahil linggo.

"Oo nga pala walang pasok, nakalimutan kong patayin ang alarm kagabi, Hayss Kung kailan nakabihis na ko" Sabi niya.

Kaya si Ace ay naglinis ng bahay at nag-ayos ng mga notebook para sa mga subject na gagamitin niya.

Matapos nito dahil wala siyang magawa sa loob ng bahay naisipan niyang tawagan ang kaniyang tito upang magpaturo ng Martial Arts.

Ring ring
"Tito Dubby, Magpraktis tayo ng karate wala naman pong akong pasok sa eskwelahan tito e" Sabi ni Ace.

"Oh sige punta ka nalang dito sa bahay nak" sabi niya.

Pumunta nga siya sa bahay ng tito niya sa tabi ng bahay ng tito niya ay may praktisan ng karate(gym).

"Tito?" Tawag ni Ace.

"Oh nandyan ka na pala nak, Sige una punta ka na praktis ka muna mag-isa tapos susunod ako" Sabi ni Dubby.

Nagpaktis si Ace mag-isa gamit ang wooden dummy at punching bag. Maya-maya pa dumating na ang kaniyang tito.

"Ok nak, Gaya nang dati yung step gagawin natin" Sabi ni Dubby.

"Ok po tito" Sagot ni Ace.

Sabay nga silang gumalaw sa step na parang sumasayaw.
Pagkatapos prinaktis ng tito niya si ace at nag-sparing.

Matapos ang labanan naupo silang pareho at nagpasimulang magkwento ang tito niya tungkol sa history of karate.

"Nak, alam mo ba ang history ng karate? " Tanong ng tito niya.

"Konti lang po" sagot nito.

"Alam mo ba na bago maging combat o magkaroon ng physical na labanan ang karate alam mo ba nagsimula ang lahat sa matigas na bamboo" sabi ni Dubby.

"Ayan lang po ang naaalala ko na sinabi ng dating teacher namin" Sabi ni Ace.

"Alam mo ba na ang karate sa pilipinas ay tinatawag na kali/silat. Ang Kali ay isang sinaunang term na ginamit upang ipahiwatig ang martial arts sa rehiyon ng Pilipinas. Sa Timog Pilipinas, tinawag itong Kali-Silat. Ang silat ay tumutukoy sa mga paggalaw ng mas mababang katawan. Ang pakikipaglaban sa stick ng Pilipino ay nakatanim sa kultura ng isla bago pa dumating ang mga Espanyol noong 1521. Nang dumating ang mga Espanyol, nakita nila ang isang may talim na tabak na mga 30 pulgada ang haba na gawa sa kahoy na tinawag na "kalis." Sa panahon ng pananakop ng Espanya, ipinagbawal nila ang pagsasanay ng Kali. Tinawag ng mga Espanyol ang sining na Eskrima o Arnis. Iyon ang dahilan kung bakit ang lahat ng tatlong mga salita ay ginagamit upang ilarawan ang sining na ito" Sabi ni Dubby.

"Ahh..ok po tito, Ayun po pala ang history ng karate sa pilipinas." Sabi ni Ace.

"Gusto lang kita bigyan ng trivia facts" Sabi ni Dubby.

"Ok po tito may natutunan po ako" Sagot ni Ace.

"Sa susunod kapag na master mo na ang karate sa muay thai, kung fu at boxing naman ang pag-aaralan natin pero gusto ko lang kita paalalahanan na ang pag-aaralan ng martial arts ay di ginagamit sa pakikipag away kundi self-defense at pagkakaroon ng disiplina sa sarili." Sabi ni Dubby.

"Opo alam ko po yun tito" Sagot ni Ace.

"Mabuti naman kung alam mo" pangiting sabi ni Dubby.

"Kumain kana ba?" Dutong ni Dubby.

"Opo tito" Sagot ni Ace.

"Sabay kana kaya samin kumain" Sabi ni Dubby.

"Di na po, kumain na po ako tito magpraktis nalang po ako rito "Sagot ni Ace.

"Sure ka nak ah" sabi nito.

"Opo tito" Sabi ni Ace.

Nagpraktis nga si Ace mag-isa hanggang lumipas ang mga oras at malapit nang lumubog ang araw.

"Tito, Uwi na po ako" Sabi ni Ace.

"Osge punta ka nalang dito nak kapag may time ka uli" Sabi ni Dubby.

"Sige po tito salamat po" Sabi ni Ace.

At umuwi na siya sa bahay, nagpahinga, inasikaso ang mga notebook, maya-maya natulog na siya at nanalangin.

-----Addlist and vote for more----

              ACE THE DREAMERWhere stories live. Discover now