The Drug Lord

14 2 0
                                    

Pumunta si Desifer sa Police Station upang sabihin ang natuklasan niyang kahinahinalang lalaki at ang plaka nito.

"Anong maipaglilingkod ko sayo Mr. Detective?" Tanong ni Mark.

"Makikisuyo ako sir, Gusto ko po sanang malaman kung sino ang nagmamay-ari ng dalawang plakang ito" Sabi ni Desifer.

"Sige Mr. Detective" Sagot ni Mark.

"Mamaya po babalik ako para malaman" Sabi ni Desifer.

"Sige" Sabi ni Fernandez

Inalam nga nila ang dalawang plaka at napag-alaman na ang plaka nang sasakyan ay pagmamay-ari ng isang negosyante at ang plaka ng motor ay galing sa nakaw.

"Sir kamusta po ang tungkol sa plaka?" Tanong ni Desifer.

"Napag-alaman na ang plaka ng sasakyan ay pagmamay-ari ng negosyanteng si Eddie chiu Masula at ang plaka naman ng isa ay galing sa nakaw" Sagot ni Mark.

"Taga saan si Eddie chiu Masula sir?" Tanong ni Desifer.

"Sa totoo lang kahina-hinala ang taong ito dahil ng kumpirmahin namin pabago-pabago siya nang tirahan at bukod doon mayroon siyang bad record at madalas na sasangkot siya sa mga droga at maraming kapit" Sagot ni Mark.

"Tingin mo matutulungan mo ba ako? Sa kabila ng marami siyang kapit?" Tanong ni Desifer.

"Ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko para mahuli lahat ng kriminal at magkaroon ng kapayapaan at kayusan sa syudad natin dahil mahal ko ang trabaho ko" Sabi ni Mark na may kompyansa sa sarili.

"Ito ang number ko para kung sakaling may impormasyon na kayo tungkol sa mga kaduda-dudang tao iyon" At inibot ni Desifer ang number sa kaniya.

Dahil sa sinabi ng pulis mas lalong ginaganahan hulihin ng detective ang mga kriminal.

At makalipas ang ilang araw tumawag si Mark kay Desifer upang balitaan tungkol sa mga taong kahina-hinala.

Ring ring ring...

"Sir si Mark ng Police Station ito gusto ko lang ipaalam na may impormasyon na kami tungkol sa may-ari ng plaka ng sasakyan ngunit sa motor wala pa" Sabi ni Mark.

"Sige sir maraming salamat sa impormasyon papunta na ko riyan" Sagot ni Desifer.

Pumunta nga si Desifer sa Police Station.

"Sir, Nasan sila?" Tanong ni Desifer.

"Napag-alaman namin na nasa (bakanteng lote) Bagong lote ang hide-out ang mga tauhan ni Eddie Chiu" Sabi ni Mark.

"Malapit lang pala ang hide-out nila rito at sakto ang lugar na iyon para sa kanila" Sabi ni Desifer.

"May plano ka Mr.Detective?" Tanong ni Mark.

"Oo may plano ako" Sabi ni Desifer.

"Kung ganun pwede bang malaman?" Tanong niya.

Ngumiti lamang si Desifer.

Inihanda ni Desifer ang mga plinano niya para hulihin ang mga kahinahinalang taong iyon at siya'y pumunta sa bagong lote.

Sa kaniyang pagpunta nakita niya ang mga tauhan ni Eddie na nagkalat sa paligid.

"Hoy! Ikaw sino ka!?"  Tanong ng lalaki.

"Nahulog po kasi ang ballpen ko e, Ayun ohh" Turo nito sa ibaba.

Sa di kalayuan nakita ni Desifer si Mark at  lumapit siya at kinuha niya ang ballpen na nahulog.

"Hoy! Ikaw bawal ka sa lugar na ito!" maangas na sinabi ni Fernandez.

              ACE THE DREAMERWhere stories live. Discover now