Nang oras ding iyon may mga taong paparating na mga naka-bag.
"Watson! Magtago tayo may mga taong paparating dito. di pa natin alam kung mabait O masama sila"
Sabi ni Ace sa kaniya.Nagtago nga sila at pinakinggan ang pinag-uusapan nila.
Person 1 POV
"Hay nako mukang naliligaw na nga talaga tayo."Person 2 POV
"Kasalanan ito ni ma'am Rachel eh, Sabi ko sayo mars wag na tayong tumingin kung saan-saan eh." pabiro niyang sabi.Person 3 POV
"Bakit Sir Christian, Wala naman akong sinabing sumunod ka ah!" Pagalit niyang sabi.Person 4 POV
"Tama na yan, baka mauwi pa yan sa away"Person 1 POV
"Tama si Sir Natan enough na guys parang tuloy tayong mga batang nag-aaway, we are proffesional so act like a proffesional"Inu-obserbahan ni Desifer/Ace ang apat na iyon.
"Sandali, kung tama deduksyon ko mga guro sila ng UP/ University of the Philippines ng diliman dahil sa logo. Mukang naliligaw sila sa lugar na ito maaari siguro nagkaroon sila sa lugar ito ng activity. Sandali may sugat yung isa nilang kasamang babae sa binti at mukang sariwa pa. Muka naman silang mga mababait. Lalabas na ako" Sabi ni Desifer sa kaniyang isipan.
Lumabas nga si Desifer at nagpakita sa kanila.
"Mga guro kayo ng UP Diliman tama po ba ako?
At naliligaw kayo sa lugar na ito at ang isa niyong kasamang babae na si Rachel kanina ay nasugatan, tama po ba ako mga ma'am at sir?" Sabi ni Desifer."Tama ka nga doon. sabihin mo, anong mga pangalan niyo?" Tanong ni Natan.
"Ako si po Desifer at siya naman po ay si ..." sabay tingin ni Desifer kay Watson.
"Watson" Sagot niya.
"Maaari ko bang malaman kung anong ginagawa ng mga binatilyo sa lugar na ito?" Tanong ni Natan.
"Nakakulong po kaming dalawa sa loob ng malaking kuweba at bilang paglaya may kinakailangang kondisyon para makalabas at iyon ay tatlong pagsubok na pintong pala-isipan na kinakailangang lampasan bago po makalabas at sa huling parte ng pagsubok naglagay ang lalaki ng bomba at kabutihan ni Desifer iniligtas niya ko at tumawag ako ng emergency subalit walang dumating at ngayon po naririto kami para maghanap ng pagkain at palabas. " Sabi ni Watson.
Tinignan ng matalim ni Desifer si Watson na may paghihinala.
"Ok, Ganun ba." Sabi ni Natan.
"Paano kaya kung sumama na kayo samin, Magsama-sama nalang tayo yamang pareho lang naman tayong naliligaw at nanghihingi ng tulong." Sabi ni Christian.
"Hay nako mars, Mga bata pa yan" Sabi ng isang babaeng kasama nila.
"Hoy, hindi ahh, concern lang ako. Hay isip mo talaga Sales."
Sabi ni Christian."Di natin sila pwede isama" Sabi ni Rachel.
"Bakit naman" sagot ni Christian at Sales.
"Dahil di pa natin sila kilala, Anong malay natin baka anong gawin satin ng dalawang iyan" Pabulong sinabi ni Rachel sa mga kasama niya.
Subalit si Natan ay nakatingin sa dalawa nakaramdam siya kakaiba at husay ni Desifer na mag-obserba.
"Isama natin sila, Muka naman silang mababait" Sabi ni Natan sa kasama niya.
YOU ARE READING
ACE THE DREAMER
Misterio / SuspensoACE THE DREAMER (Mystery Novel) Written by: Isaiah O. Delaroso ---------------------------------------------------- ACE THE DREAMER By: Delaroso, Isaiah O. All right reserved ...