"Put your legs on my shoulder..."
"Ate pahiram ako." Kinuha ko sa tindera ang mangkok na may mainit na sabaw ng sinigang.
Walang sabi-sabi kong ibinuhos 'yon sa lalaking kumakain sa gilid ko.
"Aray! Putangina!" Galit na galit siyang tumayo at tiningnan ako bago dinuro. "Ano'ng problema mo, Miss!?"
"Ikaw! Tangina mo kanina ka pa!" sigaw ko pabalik at dinuro din siya pabalik.
Gagong 'to, hindi porket mas matanda siya sa 'kin may karapatan na siyang bastusin ako.
Susugurin niya na sana ako pero agad ko nang nasipa ang pagkalalaki niya at siniko sa panga. Pinigilan ako ng isang lalaking customer doon pero hindi ako nagpa-awat. Sinipa ko pa sa likod 'yung lalaki kaya natumba siya at tumama sa babasaging istante na nandoon. Basag 'yung istante.
"Miss, tama na 'yan. Nakakabulabog na kayo sa mga customer ko!" galit na saway ng tindera.
Maya-maya may dumating kaagad na mga tanod at tinanong kung ano'ng nangyari.
"Pumili ka nang babastusin mong kupal ka, ah?!" galit ko pa ring sigaw.
I felt my face was burning in anger. I even clenched my right fist to somehow stop myself from punching his face. Mabilis na rin ang paghinga ko sa galit.
"Miss, ikaw naman kasi ang may kasalanan. Tingnan mo 'yang suot mo..." He pointed my body. "Tila ka kinulang sa tela," sabi ng lalaking kasama no'ng nangbastos sa akin.
I even heard from the other customers these words,
"Oo nga."
"What!?" Hindi makapaniwalang sigaw ko na parang ako pa ang dehado rito. Susugurin ko na rin sana siya nang pigilan ako ng isang tanod sa gilid ko. "Ang panget mo na ngang panot ka, bobo ka pa! Ang tatanda n'yo na, hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili ninyo!?" I asked, eyed them from head to toe and gave them a disgusted look.
At this point, was I obliged to respect elders?
Hindi deserve ng mga tarantadong 'to ang respeto ko. Hindi ako masokista na ako pa ang hihingi ng tawad matapos ma-agrabyado.
Respect is earned not given
"Miss, tama na 'yan. Sa barangay nalang kayo mag-usap," sabat ng tanod.
Hahawakan niya na sana ang braso ko pero umiwas ako. "Ano'ng pag-uusapan namin!? 'Yan ang dalhin niyo sa presinto!" Tinuro ko pa 'yung lalaking may edad na nangbastos sa akin. "I'm done with my business here," saad ko at kinuha ang bottled water na binili ko bago lumabas sa letseng carenderia na 'yon.
Hinabol ako ng tindera do'n bago pa man ako makasakay sa motor ko.
"What now, Miss?" I asked impatiently.
"Nabasag mo 'yung isang istante ko, Miss. Kailangan mong bayaran 'yon," sabi nito sa naiinis na tono.
"Fine. Fine. Babalik ako rito bukas, wala akong dala na cash ngayon ngayon." Umirap ulit ako sa inis.
Luckily, I got a ten-peso coin from the pocket of my sling bag when I got parched earlier. I wasn't expecting this would happen to me today, must've been the reason why I was still fuming with anger until now.
Isusuot ko na sana ang helmet ko nang pigilan niya ang isa kong braso.
She placed her right hand on her waist. "Pa'no naman ako makakasiguradong babalik ka aber?" masungit na tanong nito habang nakataas ang isang kilay.
I rolled my eyes and sighed. "Miss, sa ganda kong 'to." Itinuro ko ang mukha ko. "Mukha ba akong mangloloko? Basta babalik ako rito bukas," sabi ko nalang bago isuot ang helmet at pinaandar paalis ang motor ko sa letseng lugar na 'yon.
YOU ARE READING
When The Flower Withers (Fleur Series #1)
Romance"Love is like a game. You have to learn how to play carefully so you won't lose and the game won't be over for you." After Evienne got cheated on twice, she never believed in love again. From then on, she became the woman she never thought she would...