Chapter 3

839 23 10
                                    

"Oh come on taong bangus, I don't fall for that shit."

"That's not my best just yet. Ayaw ko naman kasing mahimatay ka rito sa kilig." He smirked and bit his lower lip.

Tinapakan ko ang paa niya sa ilalim ng mesa pero parang hindi siya nasaktan. He just laughed at me instead.

"Dimunyu," sabi ko nalang at inirapan siya.

Tiningnan ko si Donny. "Sana all marunong mag-English," biglang sabi niya.

I just tousled his raven hair and continued eating. Hindi ko na pinansin si Abo kahit rinig na rinig ko pa rin ang pang-asar niyang tawa. Kaso hindi siya tumigil. His laugh was really insulting and annoying as he was!

"P'wede bang tigil-tigilan mo 'yang pagtawa mo! Kairita." Inirapan ko pa siya.

Pero ang b'wisit. Imbis na tumigil lalong tumawa nang pang-asar. Ugh! I really hated the guts of this guy.

"Ang ganda-ganda mo nga palagi ka namang nagsusungit," he mumbled while roaming his eyes around my face. Tumigil 'yon saglit sa may bandang baba ko, hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang pagngisi niya.

He brought the sliced pork in his mouth and chewed it slowly, still looking at me.

"Alam kong maganda ako. 'Wag mo naman masiyadong ipahalata na patay na patay ka sa 'kin." I flipped my hair and rolled my eyes again.

Akala niya siguro hindi ko nahahalata. Palagi siyang nang-aasar and maybe that was his way, for sure, to let me fall for him. Alam na alam ko na 'yong mga ganiyan na tactics ng mga lalaki.

Ayoko talaga ng mga lalaking mapang-alaska at mahangin.

Isa pa, kung magkakagusto ulit ako, hindi na sa kaniya. Right now, I preferred a low-key man. I searched for their band last time, unti-unti na silang sumisikat at ayokong ma-involve sa kaniya. Masiyadong complicated.

People were cruel, especially on social media. They'd do everything to drag you down. Kung hindi ka matatag, I didn't think you'd survive.

"Ang sabi ko maganda ka, hindi ko sinabing type kita," sagot niya sa sinabi ko. "Assuming," bulong niya pa pero halata namang ipinarinig sa akin. Ang kapal ng mukha! Ang sarap lihain.

Umirap ako sa sinabi niya. "Whatever, Abo. Kuwento mo sa pagong."

Patuloy lang kami ni Ash sa pagsasagutan hanggang sa matapos na kami mag-breakfast. Nagpatake-out na rin ako kay Nanay Flor para sa pasalubong ni Donny sa family niya.

This kid really deserved his reward for being so kind and thoughtful brother and son. Sana lang mas dumami pa ang mga kagaya niyang bata na mabait. Karamihan kasi sa mga batang nakikita ko ngayon, wala ng galang. Ka-edad, mas matanda, o mas bata man sa kanila.

But, sometimes, we really couldn't blame them lalo't hindi maganda at maayos ang parenting ng mga magulang nila sa kanila. Nakakalungkot lang na may oras silang gumawa ng anak pero unti-unti naman silang nawawalan ng oras para palakihin ang mga anak nila nang maayos.

"Sa'n ka ba nakatira?" tanong ni Ash kay Donny.

"Sa bahay," I said inaudibly while looking at my nails. Nakaka-inis dahil mukhang mapuputol pa 'yong sa kuko ko sa index finger. Two weeks ko na 'tong pinapahaba, eh.

"Sa Mambugan po," sagot ni Ash.

"Medyo malayo 'yan ah? Hindi ka ba natatakot maligaw?" Kinuha ni Ash ang panyo mula sa bulsa ng cargo shorts niya at nagpunas ng pawis sa leeg.

Kanina ko pa rin nga napapansin 'yong mapupula niyang pisngi e. Pero in fairness, kahit na pawisan mukhang mabango pa rin siya.

"Mas nakakatakot po Kuya Ash kung wala akong maiuuwi na pera sa bahay. Magugutom po kasi kami."

When The Flower Withers (Fleur Series #1)Where stories live. Discover now