"Primrose! Primrose! Roseprim!"
Napapikit ako at huminga nang malalim. Mas binilisan ko ang lakad papasok sa condo para hindi niya na ako maabutan. He must be out of his mind. Hindi niya ba maintindihan na ayaw ko siyang kausapin kaya hindi ko siya nililingon?! Isa pa, hindi ba siya nahihiya? Sigaw siya nang sigaw.
I fixed the strap of my guitar bag on my shoulder as I am waiting for the elevator's door to open.
"Ang tagal!" I muttered annoyingly while tapping my right foot on the ground.
I felt his presence beside me kaya napapikit ako nang mariin. Wala na! Naabutan niya na ako.
"Ang bilis mong maglakad, Primrose," he said but I didn't answer nor look back at him.
Pagpasok namin sa elevator siya na ang nagpindot ng floor namin. Sa corner ako pumwesto para magkalayo kami kahit papaano pero tumabi siya sa akin kaya wala na akong nagawa. Hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan.
"You're mad," he stated.
Huminga ulit ako nang malalim. Hindi ko dapat 'to nararamdaman. I shouldn't be affected by the sadness of his voice. Nakaya ko nang iwasan siya ng ilang araw, magiging madali na para sa akin na iwasan siya sa mga susunod pa.
Besides, hindi na rin kami nagkakasalubong sa campus dahil ako na ang umiwas.
I even asked Aivanns for their schedule para alam ko kung kailan ang vacant nila at kung saan ako pupunta. Pati nga sina Nica at Rylen nagtataka kasi kung saan-saan ko sila inaaya t'wing malapit si Ash sa amin.
"I'm not," sagot ko na lang. Mula sa peripheral vision ko, ramdam kong nakatingin siya sa akin. Nang tumigil ang elevator sa floor kung nasaan ang unit niya, nagulat ako nang hinila niya ako palabas. "Ash, ano ba?! Hindi naman ako sasama sa 'yo!"
Pero parang wala siyang narinig at nagpatuloy sa paglalakad. He's even whistling nonchalantly! Nagre-reklamo pa rin ako hanggang sa tumigil kami sa tapat ng unit niya.
Pagpasok namin, nagulat ako nang bigla niya akong isinandal sa likod ng pintuan. He's caging me with his arms.
I was looking up at him habang nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa mga mata ko. Sobrang lalim din ng mga mata niya and those were expressive but I couldn't tell what was he trying to say by that stare.
I couldn't stand his stare anymore. Hence, I looked away. "Uuwi na ako, Ash," malamig na sabi ko habang nakatingin sa dibdib niya.
He held up my chin and caressed my right cheek with his thumb. Gusto kong mapapikit dahil doon pero hindi ko ginawa. I shouldn't give him that satisfaction especially if I was trying to stay away from him.
Aalisin ko na sana ang kamay niya sa pisngi ko pero nagulat ako nang pinagsalikop niya ang mga kamay namin. I immediately love the warmth from his hand pero hindi ko ipinakita sa kaniya na nagustuhan ko 'yon.
"Primrose, bakit mo ba kasi ako iniiwasan, hmm?" Ang lamlam ng mga mata niya nang itanong niya 'yan.
Magkasalubong din ang makakapal niyang kilay pero ang amo pa rin ng mukha. He really looks like an angel.
"Ash, ipapa-"
"Hindi naman ako tae para iwasan, Primrose," he innocently said but I could feel that he was just trying to lighten up the atmosphere between us.
Hinampas ko siya sa dibdib. "'Yan ka na naman e!" Inis na sabi ko na lang sa kaniya. Wala siyang sinabi pero ipinatong niya ang noo niya sa kaliwang balikat ko. "Ash..."
"You're making me sad, Primrose." He wrapped his left arm on my waist kaya mas lalo akong natigilan at walang nasabi.
Gusto kong magalit at itulak siya dahil hindi tama 'to, pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang kontrahin ang isip at galaw ko.
YOU ARE READING
When The Flower Withers (Fleur Series #1)
Roman d'amour"Love is like a game. You have to learn how to play carefully so you won't lose and the game won't be over for you." After Evienne got cheated on twice, she never believed in love again. From then on, she became the woman she never thought she would...