Chapter 19

900 60 13
                                    

Key's POV

"So, what are you going to do? Isusumbong mo ba kami?" Nakapamewang na saad ni Zack kay Mrs. Flores.

Kasalukuyan pa rin kaming nasa loob ng office ni Mrs. Flores.

"Uh—uhm." Tila hindi makapagsalita si Mrs. Flores at mababakas sa mukha niya ang takot.

"My dad is a share holder of this school. Do you imagine what will happen to you kapag sinumbong mo kami?" Mayabang na saad ni Zack.

Siniko ko naman siya dahil sa mga pinagsasasabi niya.

"O–okay! Papalampasin ko ito Zack. Pero ikaw, Key, I know this is your fault so you need to clean the canteen for the whole week, understood?" Sabi ni Mrs. Flores.

"Ma'am?! Hindi naman po ata tama yan!" Sabi ko. Hello, si Zack kaya ang may kagagawan ng lahat ng ito at bakit ako lang ang mapaparusahan!

"Sumasagot ka pa? Do you want me to add more punishments?" Sabi ni Mrs. Flores habang nakataas ang kilay.

Sabi ko nga at tatahimik na lang ako. Ang unfair naman!

Tinignan ko ng masama si Zack pero ngumiti lang ito ng pagkaloko-loko.

"So, I'll go now." Ani ni Zack.

"Bye, stupido." Sabi ni Zack habang nakangisi sa akin at papaalis ng silid. Tinignan ko naman itong si Zack ng masama! Nagkanda malas malas ang araw ko dahil sa kanya!

"So now, Third pwede ka na din lumabas, at ikaw Key you need to stay here and you need to sign sa'ting student's disciplinary book."

Sobrang unfair! Porke't mga mayayaman 'tong mga 'to e inaabuso na ako!

Pinanood kong tumayo si Third hangang sa pumunta siya sa pintuan nitong silid. Pipihitin niya pa lamang yung doorknob nang kusa itong bumukas.

"I don't know what should I do to you! Sinuntok mo yung kaklase mo just because you want to?! Hindi mo ba alam na business partner ko ang mga magulang n'on?!" Galit na sabi ni Sir Maca.

Nakatayo lang si Third habang nakapoker face at walang kibo sa kanyang ama.

"Key, bakit nandito ka?" Medyo nanlaki ang aking mata nang tanungin ako ni Sir Maca. Jusko! Anong sasabihin ko?!

"Ah–eh...Ano po." Napakamot ako sa ulo ko.

"He was the one who told me to punch the guy." Biglang sabi ni Third.

"No, sir! Hindi po!" Sabi ko.

"Right, Mrs. Flores?" Sabi ni Third kay Mrs. Flores.

Umiling ako kay Mrs. Flores. Huwag! Malalagot ako kay Sir Maca!

"Ah–eh–opo s-sir!" Sabi ni Mrs. Flores.

"I cannot believe you two! I thought you will influence my son in a good way." Saad ni Sir Maca.

Dire-diretso naman akong umiling dahil sa sinabi niya.

"From now on sa bahay ko na kayo uuwi at doon kayo mag-aaral. Mrs. Flores give this two a punishment. Let them clean all the bathrooms in the campus for a week!" Sabi ni Sir Maca sabay umalis.

"F*ck you!" Sabi ni Third at tinignan ako ng masama. Tignan mo nga naman, ang bilis talaga ng balik ng karma noh? Buti nga sakanya! Haha!

Ngumiti ako sakanya nang nakakaloko sabay dumila para manginis.

"Since narinig niyo naman yung sinabi ni Mr. Maca, starting today kayo ang maglilinis ng bathroom sa loob ng campus." Sabi ni Mrs. Flores.

"No way!" Bulyaw ni Third sabay lumabas ng room.

All Boys School(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon