Chapter 6

3.2K 140 2
                                    

Key's POV

Sinubukan kong kausapin si Third matapos nung nangyari kagabi pero mukhang kailangan niya muna ng time para sa sarili niya kaya naman ngayong umaga ko na lang siya kakausapin.

Inaabangan ko ang paglabas niya sa aming kwarto, sa sofa kasi ako natulog kagabi. Sakto namang bumukas ang pinto sa kwarto.

"Third!" Sabi ko.

"Third? We're not close so you don't have a right to call my name." Malamig na sabi nito.

"Halika nga dito at magusap tayo." Sabi ko sa kanya.

"'Wag mo 'kong utusan tyaka wala tayong dapat pagusapan." Sabi nito.

"Pumunta ka dito." Malamig kong sabi.

Kita kong papunta siya saakin. Buti naman. Pero hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para magsalita ng ganon sa kanya!

"Ano bang gusto mo?" Irita nitong sabi.

"I just want to say na magiging tutor mo 'ko kahit na anong mangyari." Mariin kong sabi.

"Such a nonsense." Sabi nito at tinalikuran ako sabay punta ng banyo.

Kita mo 'tong lalaking 'to, napaka bastos! Mukhang mahihirapan nga ako sa pagpipilit dito.

Napatingin ako saaking wrist watch at 6:50 na. Sampung minuto na lang at magsisimula na yung klase ko.

Napagdesisyunan kong mauna na kaysa naman sa antayin ko si Third at mahuli pa sa klase.

Nakarating naman ako sa aking classroom ng hindi na late. Dumiretso lang ako sa dulo ng silid kung nasaan yung seat ko 'saka umupo saaking silya.

Hindi nagtagal, pumasok na din yung teacher namin sa english pero wala pa din si Third sa klase. Ganun ba siya katagal maligo at hangang ngayon ay wala pa rin siya dito or ayaw niya lang pumasok kasi anak siya ng may-ari nitong school? Tsk!

"Open your books on page 109." Sabi ni Sir Ef.

Kinuha ko yung libro ko na nasa bag at binuklat ito sa sinabing pahina nung teacher namin.

Nakinig na lamang ako sa kung anong sinasabi at dinidiscuss ng aming teacher hangang sa namalayan kong next subject na pala nung magpaalam na siya.

Napatingin ako sa katabi kong upuan at wala pa rin si Third. Nalunod na kaya yun sa CR kung sakali?

Bumukas yung pinto ng classroom kaya agad naman akong napatingin doon. Inaasahan kong si Third yung papasok ngunit mali ako at iyon ay ang aming class president.

"Classmates 2hrs vaccant tayo. Wala si Sir Vergoza." Sabi ng aming class president na si Keith.

Naghiyawan naman ang karamihan at ang iba pa'y dali-daling naglabas ng kani-kanilang mga gadyets.

Asaan na ba si Third? Hindi kaya nasa dorm lang siya at tinatamad lang pumasok?

Naglakad ako papalabas ng aking classroom. Patungo ako ngayon sa aming dorm.

Nasa hallway pa lang ako ng school nang makasalubong ko si Mr. Maca.

"Mr. Dela Fuente! Napapayag mo na ba si Third?" Tanong nito saakin.

"Sa totoo lang po...hindi pa po eh." Ang tangi kong nasagot at napakamot sa ulo.

"Key, mayroon ka na lang 2months para itutor ang aking anak."

"Po?! Hindi ba 3rd quarter pa yung exams?!" Gulat kong tanong.

"Oo iho, nakalimutan ko pa lang sabihin na sa 2nd quarter may kukunin din siyang exam at pagnakapasa siya, dun pa lang siya makakapagtake ng performance test during 3rd quarter." June nagsimula ang klase ngunit July ako nagsimulang pumasok sa paaralan na ito at sa September na yung sinasabing 2nd quarter exam.

"Sige po Sir! Sisimulan ko na po ang pagtuturo sa inyong anak. Sisiguraduhin ko pong makakapasok siya!" Determinado kong saad.

"Sige iho. Maraming salamat. Hinding-hindi kita bibiguin sa pangako ko." Sabi ni Mr. Maca.

"Osige, mauna na ako." Paalam ni Sir kaya naman tumango ako bilang sagot at naghiwalay na kami ng direksyon.

Nang makarating ako sa room 201 saaming dorm, walang Third akong nadatnan sa buong kwarto.

Nasaan ba siya?! Kailangan na naming magsimulang magreview kung mayroon na lang kaming dalawang buwan!

Lumabas ako ng dorm at sinubukan kong maghanap sa school building.

Nasa hallway ako ng 2nd floor ng makasalubong ko si Seth.

Kumaway ako sa kanya at nakita niya naman agad ako.

"Hel--" Naputol ang aking pagbati ng magsalita siya.

"This is your 2nd violation." Sabi niya at iiling-iling pa.

"Ha?!" Naguguluhan kong tanong.

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Hindi mo ba alam na bawal ang pagcucutting class dito?"

"Hoy! Hindi kaya ako nagcucutting! Tyaka para sabihin ko sayo vacant kami ngayon!" Sabi ko.

"Tsk. Sinabi ko bang magexplain ka?" Sabi nito at diretsyong nakatingin saakin.

"Hindi! Kusa ko yung sinabi! Tyaka cutting ka rin naman, ahh! Hindi ba dapat nasa klase ka?" Sabi ko at diniinan siya ng tingin.

"M-magc-cr lang a-ako." Sagot niya.

"Sus! Sinong niloloko mo?!" Sabi ko at ngumisi.

"Ayy teka, alam mo ba kung nasaan si Third?" Dugtong ko.

"Hindi ba siya pumasok sa klase niyo?"

"Hindi eh." Sagot ko.

"Baka nasa dorm." Sabi niya.

"Wala siya dun." Sagot ko.

"Paano mo naman nalaman?" Tanong niya.

"Roomate ko siya at wala siya sa dorm namin." Sagot ko.

"Ahh! So ikaw pala yung kwinekwento ni Third na may pagnanasa sa kanya?"

"Ha?!" Napasigaw ako sa gulat. "Anong pagnanasa?! Eh siya nga itong bigla bigla na lang lumalapit saakin ng walang damit pangitaas na para bang mangaagaw ng halik!"

"Sabi pa nga niya binuksan mo yung CR habang naliligo siya." Sabi niya at ngumisi.

"Aksidente yun, okay?!" Sabi ko. "Tyaka bakit ko naman gagaw--" naputol yung sasabihin ko ng hatakin ako ni Seth papasok sa isang malapit na room.

Nasa loob kaming dalawa sa isang room na madilim. Nakatakip ang mga kamay ni Seth sa aking bibig.

"Huwag kang maingay." Sabi ni Seth habang nakatakip pa din ang kanang kamay niya saaking bibig.

Maya-maya, tinangal niya na ang pagtakip sa bibig ko at dahan dahang tumayo siya at sumilip sa labas.

"Tara na!" Sabi ni Seth kaya naman sumunod ako sa kanya palabas.

Nang makalabas kami sa kwartong iyon, hinatak niya nanaman ako pababa sa 1st floor.

"Teka-teka! Saan mo 'ko dadalhin?!" Tanong ko.

Huminto kami at nagsalita siya.

"Di'ba hinahanap mo si Third? Edi pupuntahan natin siya." Sabi nito at muli nanaman akong hinatak.

"Magcucutting class ba tayo?!" Sabi ko.

"Hmm...parang ganun na nga." Sagot nito.

"Teka! Ayaw ko! Babalik na ako sa taas!" Sabi ko at hinatak yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Teka! 'Wag! Malalagot ako at ikaw kay Ms. Farrah kapag nahuli niya tayo na nasa hallway ngayon!" Sabi ni Seth.

"Pero mas mapapagalitan tayo kapag nagcutting tayo!" Sabi ko.

May narinig kaming tunog ng takong na para bang pababa dito sa 1st floor.

Nagkatinginan kami ni Seth.

"Takbo!" Hindi ko alam kung anong nangyari pero napatakbo na lang din ako.

--------
End of Chapter 6


All Boys School(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon