Chapter 1

9.5K 208 9
                                    

Key's POV

"One regular coffee and one strawberry mousse. 180pesos po, Ma'am." Sabi ko at ngumiti sa babaeng costumer na nasa tapat ko.

Inabot naman saakin ang buong 200peso bill.

"Here's your change, Ma'am. Tatawagin ko na lang po yung name niyo pagready na po yung order niyo." Sabi ko at ngumiti ulit.

Hapon ngayon at walang masyadong tao dito sa coffee shop na pinapasukan ko sa Maynila.

Tumayo lang ako sa harap ng counter at nagantay ng customer na papasok dito sa coffee shop.

By the way, I'm Key Dela Fuente. 18 years old. Nagtratrabaho ako dito sa coffee shop bilang isang cashier-slash-waiter. 537pesos ang sweldo ko dito sa walong oras at dagdag na 137pesos kung magovertime.

Actually, dalawa kaming nagtratrabaho dito sa coffee shop. Kasama ko si Unique ang barista ng coffee shop. 18years old ako at siya naman ay 19years old. Parehas kami ng istorya sa buhay, 'yun nga lang ay siya, pinili niyang maging gan'to ang buhay at iwan ang mga magulang at pamilya pero ako, walang-wala na talaga.

Siya na ang tinuring kong pamilya at alam niya ang sikreto at ang pagkatao ko, ang pagiging isang gay. Hindi ako cross dresser at masasabing isa akong gay men. 

Alam niyo ang swerte ko kay Unique, straight siya pero tinangap niya ako ng buong puso.

Napapaisip din ako minsan siguro kung buhay pa both parents ko, hindi ko ito dinadanas ngayon. Pero wala naman na akong magagawa kung ito talaga ang itinadhana saakin, mas mabuti kung tatangapin ko na lang di'ba?

"One regular coffee and one strawberry mousse for Ma'am Rose!" Napatingin ako sa sumigaw. Wala namang iba kundi si Unique.

Ngumiti siya saakin at ganun din naman ako. Hindi ko maitatangi na pogi itong si Unique. Ayun nga lang, mahilig magfeeling cool at kung minsan kung umasta 'kala mo si Daniel Padilla e!

"Oh, ayan ginawa ko na yung trabaho mo baka naman may reward ako." Sabi ni Unique at ngumiti ng nakakaloko.

"Anong reward?" Naguguluhan kong tanong.

Lumapit siya saakin tyaka dinakma yung pwet ko!

"Bastos ka talaga!" Sigaw ko at tinignan siya ng masama pero tumawa lang ang loko!

"Kamusta pala yung school na papasukan mo?" Sabi niya.

"Ahh, 'di pa naman sigurado kung makakapasok ako dun pero sana hehe." Sagot ko at nagcrossed fingers. Ang tinutukoy ni Unique ay yung MACA All boys school sa Laguna. Oo, nabasa niyo siyang mabuti. ALL BOYS SCHOOL. Nakita ko kasing tumatangap sila ng scholars kaya sinubukan ko. Wala namang mawawala kung susubukan ko 'saka ilang taon na din nung hindi ako nakapag-aral kaya okay na din 'yon para sa'kin.

"Sus, ikaw pa ang talino mo nga eh. How many electrons does hydrogen have?" Mabilisang tanong nito.

"One." Sagot ko.

"Can you predict the formula of Mg2+ and Cl-?"

"Ahmm...MgCl2."

"ATP is the electron acceptor. is that correct?"

"No, NADP or Nicotinamide Adenine Dinucleotide Phospate is the electron acceptor."

"What does PGAL means?"

"Phospoglyceraldehyde." Confident kong sabi.

"Next question, mahal mo ba ako?"

"Siraulo ka ba?" Natatawa kong sagot.

"Matalino ka na sana e, pero ba't 'di mo ako sinagot nung tinanong kong mahal mo 'ko?" Sabi niya at nag-pout!

"Huwagt ka nga mag-pout, mukha kang shih tzu! Oo na sige na mahal na kita." Natatawa kong sabi.

"Talaga?" Sabi niya at para bang may namumuong puso sa mata.

"As a friend!" Habol ko. HAHA! Mukhang nadismaya naman ang loko!

"Uy, paano kung makapasok ka sa school doon sa Laguna. Edi magkakahiwalay na tayo." Sabi niya at nag-pout muli.

"Edi magtetext na lang ako sayo or tatawagan kita." Sagot ko.

"Paano naman kita tatawagan at itetext kung ayaw mong ibigay yung number mo." Sabi niya at mas lalong sumimangot. Haha! Mukha siyang bata!

"Oo na, ibibigay ko na. KUNG makakapasok ako. Pero kung hindi, edi sorry ka. HAHA!" Sabi ko at tumawa. Ngumiti naman siya na parang ewan.

"Huwag mo 'kong kakalimutan, ha?" Sabi niya.

"Opo, boss!" Sabi ko at sumaludo.

Biglang tumunog yung phone ko na nasa bulsa ng aking pantalon.

Kinuha ko ang kauna unahang cellphone ng nokia sa aking bulsa at tinignan ang screen. May tumatawag pero unknown number.

"Uy, sagutin ko lang ha?" Paalam ko kay Unique. Tumango naman ito bilang sagot kaya tinangal ko yung green kong apron at ipinatong sa counter.

Lumabas ako ng coffee shop at agad na sinagot yung tawag.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Can I talk to Mr.Key Dela Fuente?" Sabi ng lalaki sa kabilang linya.

"Ahh, ako po si Key. Ano pong kailangan niyo?" Tanong ko.

"Congratulations Mr.Dela Fuente kayo ang napili naming ipasok bilang scholar sa MACA All Boys School."

"T-talaga p-po?" Hindi makapaniwala kong sabi.

"Yes! Tommorow may magsusundo sayo na van diyan sa Manila. And I think aware ka naman na kapag sa MACA All Boys School ka na nag-aral eh you supposed to stay in the School's Dormitory."

"Yes po! Thank you po talaga!" Sabi ko at 'di ko napigilang maluha.

"Okay then see you tommorow!"

"Opo! Salamat po." Sabi ko at inend call na ang tawag.

"Yes!" Sigaw ko sa hangin. Makakapagaral na ulit ako!

--------

End of Chapter 1





Maraming Salamat po sa pagbabasa!

All Boys School(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon