Chapter 7

3.2K 138 5
                                    

Key's POV

Nagtungo kami ni Seth sa may gilid ng school building na kung saan maraming puno ang pumapalibot.

Nagsimulang maglakad si Seth papasok sa magubat na puno kaya naman sumunod ako sa kanya.

Naalala ko na dito yung lugar na pinuntahan ko noong unang sampa ko dito sa MACA.

Naalala ko ring sa dulo nito ay yung bahay na kung nasaan sila Third at Seth noon. Kung ganon, dun pala kami papunta.

Nagdire-diretso lang kami ng lakad hangang sa matanaw ko na ang bahay. Sa totoo lang hindi ito mukhang bahay lang kundi isang mansyon. Mansyon na medyo nakakatakot dahil nasa gitna ito ng mga puno.

Bakit ba naman kasi may hideout pa sila dito? Hindi kaya dun nila ginagawa yung mga masasama nilang ritual?!

Nakarating na kami sa tapat ng pintuan ng mansyon. Pumunta naman si Seth sa may gilid ng may pintuan at nagpipindot doon at siyang pagbukas din ng pintuan.

Pumasok kami sa loob at nakakamangha na sobrang laki nito. Daig na daig ang mga 5-star hotel sa Pilipinas.

"Matanong ko lang, kanino ba 'tong bahay na 'to?"

"Actually, apat kaming nagmamayari nito." Sagot ni Seth.

Napatingin ako sa hagdan ng may sumigaw.

"Bro!" Sabi nung lalaking pababa sa hagdan at may kasama pang isang lalaki.

"Siya yung lalaking hinabol natin dati di'ba?" Sabi nung isang lalaking nakawhite t-shirt kay Seth.

"Oo, siya nga." Sagot ni Seth at ngumiti.

"Papatayin na ba natin?" Ani nito.

Napaatras ako bigla. Sana pala di na ako sumama!

"Joke lang!" Dugtong nung lalaking nakaputi. "Ako nga pala si Angelo, Angelo Ocampo." Nakangiti nitong sabi at nakipagkamay saakin.

"Ako naman si Key." Pagpapakilala ko.

"We know." Cold na sabi nung lalaking nakajacket na itim.

"Ha? Paano?" Takang tanong ko.

"Third is always talking about you that he has a pervert roomate who's name is key." Poker face na sabi nito.

"Teka! Sinungaling 'yong lalaki na 'yon!" Sabi ko.

"Unang-una, siya yung pervert! Kung iisipin niyo, sino ba namang matinong tao ang bigla-bigla na lang lalapit sayo na akala mo'y manghahalik! Ikala--" Naputol yung sasabihin ko nang magsalita ulit yung lalaking nakaitim.

"You are so defensive. I think you're guilty." Nakapoker face na sabi nito.

"Hindi ako guilty! Nagsasabi lang ako ng totoo at kung ayaw mong maniw--"

"Just shut your mouth, stupid." Sabi nito at nagwalk out.

Sa totoo lang nakakasakit yung sinabi niya na kahit sino naman ay masasaktan. Pero bwisit siya! Ni-isang taong aking nakasalamuha, ni-kailanman hindi ako nakarinig sakanila ng ganyan!

"Pagpasensiyahan mo na yung si Zack medyo may suplado." Pagpapaumanhin ni Angelo.

"Okay lang yun." Ang tangi kong sinagot kahit na bwisit na bwisit ako dun sa Zack na yun!

Tumabi saakin si Angelo at nagulat ako ng akbayan niya ako.

Ngumiti lang siya saakin at ako naman ay 'di alam ang gagawin! Nakakailang naman yung ganitong sitwasyon!

Naramdaman kong lumapit siya sa aking tenga.

"May kakilala ako, 4k isang gabi. Pwede ka ba?" Bulong nito sabay hinimas yung aking pwet!

All Boys School(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon