Chapter 13

4K 152 49
                                    

Key's POV

"Gising ka na pala." Sabi ni Third at nakatingin sa akin ng malagkit.

Kinusot ko ang aking mga mata at tinignan muli siya na nasa tabi ko at nakahiga.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"Oras?" Sagot niya. "Oras na para...para dito." Sabi niya at nagulat ako nang ilapit niya yung mukha niya sa mukha ko! Shit!

Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa! Dahan-dahan niyang hinimas yung hita ko!

"T-third!" Sabi ko habang kagat ang aking labi.

"Shh. I'll be gentle." Sabi nito at kumindat.

Ipinulupot ko yung kamay ko sa batok niya. Umakma naman siyang hahalikan ako kaya napapikit na lang ako.

Maya-maya pa, isang malakas na sampal ang aking natangap!

Napabalikwas ako ng bangon at nakita ko si Third na nasa tabi ko at nakakunot ang noo.

"Bakit mo 'ko sinampal?!" Hiyaw ko habang hawak yung pisnging sinampal niya.

"Pinagsasamantalahan mo ba ako sa panaginip mo?" Sabi ni Third at nakakunot ang noo.

"H-ha?" Tanong ko.

"Binangit mo yung pangalan ko habang natutulog ka! It means pinagsasamantalahan mo ako sa panaginip mo!" Sabi niya at sabay balot ng kamay sa may dibdib niya.

"A-anong pinags-sa-sabi mo d-diyan! Baka n-nagkamali k-ka lang ng d-dinig!" Pagtatanggi ko.

"Tsk. Pervert!"

"Hoy! Sinabi ko na ngang hindi kita pinagsasamantalahan!" Pagtatangi ko pa din kahit na tama naman siya ng hinala!

"Tsk. Di mo 'ko maloloko. Magshoshower lang ako, diyan ka lang! Baka pagsamantalahan mo pa ako habang naliligo." Sabi niya.

Ba't ba kasi ako nanaginip ng ganon?! SInampal ko yung sarili ko. Shit Key, umayos ka nga!

Dumiretso na si Third sa loob ng bathroom at naiwan naman ako sa kama habang nakaupo.

Nadako yung tingin ko sa malaking window nitong silid na nasa kaliwa ko. Natanaw ko ang magandang sinag ng araw. Mukhang maganda yung panahon ngayon at hindi mahamog sa Baguio.

Hinantay ko si Third na matapos sa bathroom habang pinagmamasdan ko ang mga tao sa labas ng bintana.

Nang matapos si Third, nag shower na din ako at saka sabay kaming bumaba sa 1st floor ng building upang mag almusal sa dining area ng hotel.

Naubos na din pala yung dextrose ni Third kaya natigil na yung pagdedextrose niya. Ngunit mayroon pa din siyang patch sa ulo dahil hindi pa tuluyang naghihilom yung sugat niya.

"Ang sarap nung poached eggs nila!" Sabi ko habang naglalakad kami ni Third papalabas ng dining area.

"Pero mas masarap yung eggs ko." Hinampas ko siya sa braso dahil sa nadinig kong salita mula sa kanya.

"Hoy!" Sigaw ko at tinignan siya ng masama pero ngumisi lang ang loko at nanguna pang lumakad!

Hinabol ko siya dahil medyo nakakalayo na din siya sa laki ng hakbang niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Sabi ni Third nung mapantayan ko na siya.

"Sa Burnham Park!" Excited kong sagot.

"Magisa ka." Sabi niya at nanguna nanaman sa paglalakad. Psh! Anong gusto niya? Sa kwarto lang kami maghapon? Edi parang nagaksaya lang kami ng pamasahe papunta dito?!

All Boys School(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon