Chapter 9

3.1K 124 2
                                    

Key's POV

"Sir, pwede na po kayong pumasok." Sabi ng nurse na tinutukoy ay yung room ni Third.

Tumango naman ako bilang sagot at tumayo mula sa aking kinauupuan 'saka nagtungo papunta sa room ni Third.

Nakausap ko na yung doctor na umasikaso kay Third kanina. Kinailangan pang tahiin yung ulo niya dahil sa nangyari. Buti na lang daw at hindi masyadong malala yung sugat niya dahil napakadelekado daw nito lalo na't sa ulo pa siya tinamaan.

Nang makarating ako sa harap ng pintuan ng room ni Third, agad ko na itong binuksan at pumasok sa loob ng silid.

Nakita ko si Third na nakahiga sa kama at naka pikit ang mga mata. Mayroon siyang benda sa kanyang ulo. Naka suot din siya ng hospital dress dahil kailangan pang magstay ni Third dito ng mga tatlong araw.

Kinuha ko yung upuan sa gilid ng silid at inilagay ito sa tabi ng kama ni Third 'saka ako umupo.

Pinagmasdan ko ang mukha niya habang siya ay nakahiga. Hindi ko naman napigilang mamangha nung mapansin kong wala siyang mga sugat na tinamo sa mukha.

Pero, kumirot yung puso ko nung makita ko yung benda niya sa ulo.

Napabuntong-hininga ako. Hays, kung tumakbo lang sana ako ka-agad paalis doon sa warehouse hindi na sana mangyayari ito.

Nangingilid na yung mga luha ko dahil sa awa na nararamdaman ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya baka ako yung nakahiga sa kamang 'to.

Muli 'kong tinignan yung mukha niya at ilang sandali pa ay bumuhos na yung mga luha ko.

"Sorry, Third." Sabi ko habang pinpigilang umiyak.

Kinuha ko yung handkerchief ko sa bulsa at ipinunas ko 'yon saaking mga luha.

"B-bakit andito k-ka?"

Nagulat ako ng bahagya nung may biglang nagsalit. Tinignan ko si Third sa harapan ko at half-open ang kanyang mga mata.

"M-may masakit b-ba sayo? Kailangan k-ko bang t-t-tumawag ng d-d-doctor?" Natataranta kong sabi pero hindi siya sumagot kaya naman napagdesisyunan ko ng tumawag ng nurse.

"T-teka lang t-tawag ako ng n-nurse!" Sabi ko at patalikod pa lang ako nang bigla niyang hawakan yung kamay ko.

"Can you please calm down? Tss." Matamlay na sabi ni Third.

Bumalik ulit ako sa pagkakaupo ko kanina sa upuan sa tabi ng kama ni third.

"T-third?" Sabi ko na nangingilid yung mga luha.

"Third, sorry." Sabi ko at 'di ko na napigilan at tuluyan ng tumulo yung mga luha ko.

Umiyak lang ako ng umiyak hangang sa wala na akong maiyak at natapos yung aking iyak na wala man lang akong reply na natangap kay Third. 

"Uy, g-galit ka b-ba?" Sabi ko dahil hindi siya kumikibo nung nagsosorry ako at nakatitig lang siya sa akin.

"Ikuha mo 'ko ng tubig." Biglang sabi ni Third.

"H-haaa?"

"Sabi ko ikuha mo 'ko ng tubig." Ulit niya.

"A-ahh! Oo! S-sandali lang!" Sabi ko at mabilis akong pumunta sa gilid nitong room kung saan may water dispenser.

Kinuha ko yung plastic cups sa may gilid ng water dispenser at nilagyan iyon ng tubig.

Pabalik na ako nung may nakita akong mga straw sa may gilid din ng dispenser kaya kumuha ako ng isa at bumalik doon sa tabi ni Third.

Umaktong babangon itong si Third kaya naman agad ko itong pinigilan.

"Humiga ka lang diyan baka matangal yung tahi mo sa ulo!" Nagaalala kong sabi.

All Boys School(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon