Chapter 15

2K 94 14
                                    

Key's POV

Kinabukasan. 

Nasa loob na kami ng bus at paalis na pabalik ng Laguna.

Maaga kaming nakabalik ng hotel kagabi. Napagdesisyunan kasi naming bumalik na ng MACA dahil maraming subjects na kaming hindi napapasukan.

Magkatabi kami ni Third dito sa seat at napansin ko nanamang hindi siya mapakali.

"Anong problema?" Alalang tanong ko.

"Key, I'm scared." Mahinang sabi niya.

Tinignan ko ang mata niya at nakikita ko ang nangingiligid niyang luha.

Hinawakan ko yung braso niya at inilapit saakin.

"Shh. Matulog ka na lang. Sumandal ka saakin." Sabi ko at marahang inilagay ang ulo niya sa balikat ko.

Bigla niyang kinuha yung kamay ko at hinawakan iyon.

"Huwag mo 'kong bibitawan." Sabi ni Third habang nakapikit. Tumango lang ako at hinayaan siyang sumandal sa akin.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Bakit kaya takot sumakay si Third sa bus? May trauma ba siya? Hmmm. 

Sa pagiisip ko ng dahilan kung bakit takot si Third na sumakay sa bus, Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa byahe at nang magising ako ay nasa Laguna na kami.

Gabi na nang makarating kami ng Laguna. Sinalubong naman kami nila Seth, Angelo, at Zack sa entrance ng dormitory.

"Good to see you, bro." Ani ni Seth.

"Namiss kita baby Key!" Sabi ni Angelo at lumapit sa akin para yumakap ngunit pinigilan siya ni Third.

"Stop your childish thing, Angelo." Sabi ni Third at hawak si Angelo.

"Yayakap lang naman eh!" Sabi ni Angelo.

"Anyway, nasa room niyo na lahat ng books at papers na kailangan niyong aralin para sa 3rd quarter exam." Sabi ni Seth.

"Thank you, Seth. Mauna na kami." Sabi ni Third.

Tumango naman ang mga lalaki at nauna na kaming nagtungo ni Third sa aming room.

Pagkapasok namin sa room, tumambad sa amin ang sandamakmak na libro na nasa sala.

"Tinitignan ko pa lang, nahihilo na ako. Psh!" Sabi ni Third at dumiretso sa aming room.

Nilapitan ko naman yung mga books na nakalagay sa table sa sala. Sinimulan kong basahin ang ilan sa mga libro para na din mareview ko kung ano ang mga ituturo ko kay Third.

Mayroon na lang kaming isang buwan at isang linggo bago ang 2nd quarter exam. Sana, magawa ko ang misyon ko at sana, matulungan ako ng pamilyang Maca sa paghanap ng hustisya para sa aking mommy.

Maya-maya pa, hindi ko namalayang ilang oras na pala akong nagbabasa at nagtatake notes dito sa sofa.

Nagunat muna ako ng katawan bago magpatuloy sa pagbabasa, medyo sumakit na din kasi yung katawan ko sa pagbabasa.

Biglang bumukas yung pinto ng kwarto at lumabas doon si Third na nakasuot ng pantulog.

"What are you doing?" Ani ni Third.

"Binabasa ko lang 'tong mga books. Pang ready na din para maituro ko na sayo agad." Sagot ko.

"Tsk! Hindi ka pa ba napapagod? Matulog ka na, just do it tomorrow." Sabi ni Third.

All Boys School(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon