Chapter 20

1.1K 53 33
                                    

Key's POV

Nasa loob kami ng kotse ni Third. Bigla akong nahiya sa pagamin ko kanina kaya hindi ako umiimik.

Maayos na din naman yung pakiramdam ko. Mugto yung mga mata ko pero hindi na ako naiiyak.

"Let's go straight to our house." Ani ni Third.

Oo nga pala at sinabihan kami ni Sir Maca na sa bahay nila muna kami umuwi.

"Teka, Third. Wala pa akong damit tyaka yung mga books natin nasa loob pa ng dorm." Sabi ko.

"I'll get it. Just stay right here." Ani niya.

Tatanggi sana ako at sasabihing sasama ako pero agad na siyang nakalabas ng kotse kaya hinayaan ko na lang siya.

Pinanood ko si Third na lumakad papuntang dorm hangang sa 'di ko na siya matanaw.

Tumingin na lang ako sa labas ng kotse at pinagmasdan yung paligid.

Hays! Sobrang 'di ko talaga inaasahang mangyayari ito ngayong araw. Parang hindi ako tinantanan ng mga problema. May galit ata sa akin ang araw na 'to!

Biglang nag-ring yung telepono ko sa aking bulsa kaya naman kinuha ko ito upang sagutin.

0995*******
Is calling

Tinignan ko yung number sa screen ng aking cellphone.

Parang pamilyar yung number. Parang ito yung tumawag sa akin nung nakaraan na hindi naman nagsasalita.

Agad ko itong sinagot dahil sa kuryosidad ko.

"Hello? Sino 'to." Tanong ko sa kabilang linya.

As usual, wala nanaman akong narinig na sagot mula sa tumawag.

"Saan mo nakuha number ko? Kung wala kang magawa pwedeng 'wag mo nang tawagan number ko?!" Irita kong sabi. Mukhang nantritrip kasi itong number at tawag nang tawag pero hindi naman magsasalita.

Ieend call ko na sana yung tawag nang bigla itong magsalita.

"Key." Sabi nung nasa kabilang linya.

"Hello? Sino ka ba? Kilala ba kita?" Sunod-sunod kong tanong dahil alam niya ang pangalan ko.

Matapos kong sabihin 'yon, ay wala na akong narinig pa mula sa kanya at binaba na lang ito agad.

Kung hindi ako nagkakamali, boses lalaki 'yon. Sobrang lalim ng boses at hindi ito pamilyar sa akin. Sino ba 'yun?

Busy akong mag-isip kung sino yung tumawag nang 'di ko namalayang nasa tabi ko na pala si Third.

"Hey, I got your things let's head now to our house." Ani ni Third.

Tumango naman ako bilang sagot at pinaandar na nga ni Third ang kotse 'saka kami umalis.

----

"Bahay niyo 'to?!" Hindi makapaniwala kong sabi.

Tatlong palapag yung bahay-este mansyon! Sobrang laki nito at ang lawak. Simpleng puti lang yung bahay pero kung titignan mo ito mahahalata mo na agad na hindi ito basta bahay lang!

"Bakit sa dorm ka pa tumitira kung ganito naman pala bahay niyo?!" Sabi ko kay Third.

"My dad wants to para daw maging independent." Sagot ni Third.

All Boys School(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon