Chapter 8

3.1K 139 3
                                    

Key's POV

Huminto ang kotse sa tapat ng malaking istraktura na parang lumang factory. Isa-isa silang bumaba at naiwan naman akong magisang nakaupo sa may back seat.

"Hey! Bumaba ka na!" Sabi ni Third na nasa labas na ng kotse.

Bumaba naman ako gaya ng sabi niya. Natatakot ako! Ni-hindi ko alam kung anong meron dito! Bwisit yang Third na yan at sinama pa ako!

Pumasok silang apat sa loob ng warehouse kaya naman sumunod ako.

"Mukhang nagsimula na." Biglang sabi ni Zack.

Nagmamadaling tumakbo silang lahat papunta doon sa may dulo ng warehouse kung saan may pintuan doon na nakabukas.

Hinabol ko naman sila at nung nasa may pintuan na kami, hinatak ako bigla ni Angelo papunta sa isang sulok.

"Gamitin mo 'to pang protekta sa sarili mo." Sabi ni Angelo sabay abot saakin ng baseball bat.

"Teka! Ano bang meron?!" Naguguluhan kong tanong.

"Basta mamaya na ako magpapaliwanag! Huwag kang babalik sa kotse at maging dito sa warehouse. Paglumabas na tayo, maghanap ka na agad ng tataguan mo okay?" Sabi ni Angelo.

Sasagot pa lamang ako pero tumakbo na papalabas si Angelo dun sa may pintuan.

Siomai! Suman! Siopao! Anong gagawin ko?! Susunod ba ako sakanila?! Hay nako, Bahala na!

Lumabas na ako at natanaw ko ang madaming lalaking nagpapalitan ng suntok at nagkakagulo! Kailangan ko na bang tumawag ng pulis?!

Nakita ko naman si Third na nakikipaglaban na walang gamit na armas sa dalawang tao at wala pang bakas sa mukha niya o sa katawan niya na nasugatan siya!

Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan at pinapanood ko lang sila habang nagkakagulo. 

Maya-maya pa'y nakarinig ako ng mga putok ng baril! Anong gagawin ko?! Saan ako magtatago?!

May nakita akong mga drum ng tubig sa may gilid. Hindi na ako nagdalawang isip pa at nagtago na doon.

Kailangan ko ng tumawag ng pulis!

Kinuha ko yung cellphone kong nokia sa may bulsa at tumawag sa emergency hotline.

"H-hello?! May r-riot po dito! Kani-kanina  lang po may mga nagpapaputok na ng b-baril! Kailangan na dito ng pulis at ambulansya!" Natataranta kong sabi.

"You need to calm dow, sir. Nasaan po ba kayo ngayon?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Ahmm!..." Napaisip ako bigla. Ni-hindi ko alam kung anong lugar ito!

"Ahmm! Sa warehouse po 20mins ang layo sa MACA University!" Sabi ko.

"I'm very sorry but wala po kaming madetect na warehouse near MACA University. Gan'to na lang po, iopen niyo na lang po yung GPS ng phone niyo at itratrack namin kayo, okay?" Sabi nung babae na nasa kabilang linya.

"Sige po." Sabi ko at agad na tinignan yung cellphone ko. Takte! Paano ko bubuksan yung GPS nito?! May GPS din ba sa dekipad na CP?!

Sasagutin ko sana ulit yung staff sa emergency hotline nang biglang may nagsalita.

"Anong ginagawa mo diyan?!" Sabi ng lalaking matangkad na para bang hindi na menor de edad!

Shit! Anong gagawin ko?!

"Ahmm...k-kuya naligaw po k-kasi ako." Takte! Anong klaseng palusot 'yon?!

"Anong naligaw?! Hindi ka basta-basta makakapasok dito kung wala kang kasamang myembro ng gang!" Sabi niya.

All Boys School(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon