Chapter 4

3.7K 141 0
                                    

Key's POV

Nagpalit lang ako ng damit at nagsipilyo 'saka mabilisang umalis sa dorm. Lord, sa dinami dami ng pwedeng roommate bakit 'yun pa?! Pero 'di ako dapat maginarte, remember Key, andito ka para mag-aral. Kaya mo yan! 

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad papunta sa aking class room.

Medyo nakakailang dahil pinagtitinginan ako ng mga lalaking estudyante dito. Kailangan ko palang magaktong lalaki dito since all boys school ito at bawal nga pala ang mga bakla o bisexual dito.

Nakacivilian ako dahil hindi pa nabibigay sa akin yung school uniform ko.

Medyo naliligaw ako dito sa may ground floor at hindi ko mahanap yung elevator. Ang sabi kasi nung mga napagtanungan ko ay nasa taas yung room ko.

May isang pasilyo akong nakita kung saan puro mga grupo ng mga tambay na lalaki ang nandun. Marami sila na siguro lagpas pa sa bente yung mga nakatambay doon.

May dumaang isang estudyante kaya naman nagtanong ako.

"Saan po dito yung elevator o hagdan?" Sabi ko dun sa estudyante.

"Ahh. Diretsuhin mo lang yan." Sabi niya at pinupunto yung pasilyo na may mga maraming estudyante.

"Ahh, sige. Salamat." Sabi ko. Ngumiti naman ito na parang ewan. 

Nag-alangan muna ako bago pumunta doon sa tinuro nung lalaki dahil ang weird nung inasta niya kanina pero binalewala ko na lang din ito at diniretso ko na nga yung pasilyo.

Nasa gitna na ako ng pasilyo at naiilang ako dahil pinagtitinginan ako ng mga estudyante kaya naman yumuko na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Sa 'di inaasahan ay biglang may tumabig saakin dahilan para mapa-atras ako ng kaunti.

"Hey! Binanga mo 'ko!" Sabi ng isang lalaking estudyante na mas matangkad sa'kin at matipuno ang katawan.

"Ikaw yung bumanga saakin." Sabi ko.

"Matapang ka?" Mayabang na sabi nito at 'saka tinulak ako.

"Suntukin na yan!" Bulyaw ng karamihan.

"Isang suntok ko lang 'to tumba agad 'tong payatot na 'to!" Mayabang niyang saad at nagtawanan naman ang mga estudyanteng nakapaligid sa amin.

Gusto ko pa sanang sumagot pero nakaramdam na ako ng takot. Aatras na lang san ako nang natigil ang mga ingay at nabalot ng katahimikan ang buong pasilyo.

Lumingon-lingon ako at tila ba'y naging isang maamong aso itong mga estudyante maging itong matangkad na lalaki na bumanga sa akin.

May pamilyar na mukha ang umeksena sa amin. Naglakad ito at lumapit sa akin.

"You violated rule no.4 always wear your I.D"

"You also violated rule no.1 alaways wear complete uniform."

"And last you violated rule no.24 don't enter the 'forbidden' place in the school if you are not belonged to any frat or groups."

"3 violations in total means you need to follow me and I'll show you the punishments waiting for you." Sabi nito at lumakad na palayo kaya naman sumunod din ako.

Nang makalayo kami doon sa hallway na iyon, agad akong nagpasalamat sa kanya.

"Salamat pala." Sabi ko at ngumiti.

Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mukha. "What do you mean?" Takang tanong niya.

"Kasi inalis mo ko dun. Muntik na nga akong suntukin eh." Sabi ko at nagpunas ng pawis. Phew!

All Boys School(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon