Chapter 2

4.6K 181 3
                                    

Key's POV

"So, anong oras ka ba susunduin?" Sabi ni Unique.

Nasa mall kami ngayon at nakaupo sa isa sa mga bench dito. Inaya ko si Unique na lumabas dahil nga sa magkakalayo na kami at sakto na linggo ngayon at wala siyang pasok sa coffee shop. Nagresign na ako  sa coffee shop after nung tawag sa MACA. Nabigla naman yung manager sa pagalis ko pero naintindihan niya naman ang dahilan.

"Mamayang hapon." Sabi ko at ngumiti.

"Ahh. Ganun ba." Maikli niyang sagot sabay sumimangot.

"Bakit parang malungkot ka? Akala ko ba masaya kang makakapagaral na ulit ako?" Sabi ko at nag-pout din.

Nabigla naman  ako sa sumunod niyang ginawa. Lumapit siya saakin at niyakap ako.

"Magiingat ka doon, ha?" Sabi niya na may nanginginig na tono.

"Oo naman!" Sagot ko ng masigla upang mabuhay yung mood niya.

"Sabihin mo lang pagmay umaway sayo sasapakin ko yun!" Sabi niya at tuluyan na nga siyang umiyak.

Humiwalay ako sa pagkayakap namin at tiningan ko ang mukha niya. Hindi ko naman napigilang mapahalakhak dahil sa pagiyak niya!

"Ano ka ba Unique, huwag kang magalala kapag may free time ako pupunta ako dito at bibisitahin kita. Tyaka tatawagan naman kita palagi." Naiintindihan ko itong si Unique. Marahil gan'to yung reaksyon niya dahil sa napalapit na rin ang aming loob sa isa't isa.

"Eh, hindi pa nga tayo nagpapalitan ng number. Paano mo 'ko matatawagan?" Sabi niya habang umiiyak pa rin. 

Parang bata kong umiyak itong si Unique! Mugto yung mga mata niya at para siyang batang inagawan ng candy!

"HAHAHA! Oo na, ito na ibibigay ko na!" Sabi ko at humalakhak.

Pagkatapos naming magpalitan ng number. Nabigla ako sa biglang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko.

"HOY! Hindi porket pinayagan kitang yakapin ako e, hahalikan mo na rin ako!" Sigaw ko dahil sa gulat.

"Friendly kiss lang 'yon." Sabi niya at ngumiti.

"Friendly kiss mo mukha mo! Manyak!" Sabi ko.

"Asus, minamanyak mo din kaya ako nung unang araw mo sa coffee shop." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Ha?!" Kinakabahan kong tanong.

"Akala mo hindi ko nakita yung pagtitig mo saakin habang nagpapalit ako ng uniporme ng coffee shop!" Sabi niya at ngumiti pa lalo!

Biglang nagflashback sa utak ko yung unang araw ko sa coffee shop! Hindi ko na itatangi, ginawa ko nga 'yun! Akala ko hindi niya nakita, takte!

"Hoy! Para sabihin ko sayo hangang dun lang sa pagtatangal mo ng polo yung nakita ko!" Sunod sunod kong tugon.

"Oh, edi inamin mo ring binobosohan mo 'ko." Sabi niya na may pangasar na tono.

Takte! Ang bobo ko! Ba't ko ba yun nasabi?!

"'Wag kang magalala, pagnakabisita ka na ulit saakin hindi lang 'yon yung makikita mo." Sabi niya at ngumit.

"Pre, wala namang ganyanan. Parehas tayong lalaki dito!" Sabi ko with a manly tone.

Sabay naman kaming humalakhak sa kalokohan namin. Mamimiss ko itong si Unique. Siya na ang naging kasama ko sa mahigit isang taon at masasabi kong nakakalungkot lang na iiwan ko siya nitong wala na nga siyang kasama sa buhay.

Muling bumalik saaking ala-ala yung mga nangyari noong nakaraang taon.

"Ma! Wag kang bibitaw! Dadalhin ka namin sa hospital ni papa!"

All Boys School(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon