CHAPTER 3: Malas

4 0 0
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi ni lola kanina

FLASHBACK

"Po?"

Teka seryoso ba sya never ko pang na-try magpa-hula-hula na yan noh saka hindi ako naniniwala sa mga ganyan-ganyan.

"Bat ka naman hindi naniniwala eh hindi mo pa naman nasusubukan?"

Napanganga naman ako sa sinabi nya as in literary NGANGA.

"Teka mind reader ba kayo?"

"Manghuhula ako at hindi mind reader sa reaction mo palang halata ng hindi ka naniniwala hija" Sagot naman nya

"Bakit Tama ba ko hija?"

"O-Opo"

"So naniniwala kana ngayon?"

Ha? Anong ganap yun?

"A- ah-" Hindi pa ko nakakapagsalita ng hablutin nito ang kamay ko at paupuin ako, wala naman sigurong mawawala sakin noh? Hindi naman mukhang scammer si lola eh.

Joke....

"May mga bagay na masamang mangyayari hija"

"Nakakatakot naman kayo lola pati yung boses nyo pang-sound effect!"

"Seryoso ako hija"

"Ah opo"

Totoo naman eh nakakatakot yung boses nya.

"Mag-iingat ka, walang kalat na Hindi nililinis hija"

Agad naman akong nag-ka-goose bumps at agad na binawi ang kamay ko

"Lola naman eh" Nakangusong sabi ko

At agad na tumayo "kaya ayoko sa mga manghuhula eh!" Sabi ko sa by takbo habang pina-pagpag ang kamay ko.

Grabe nakakatakot sya.... Ang where pa nya.... Ganon ba talaga kahilig sa thrill ang mga manghuhula?

END OF FLASHBACK

Ang scary nya diba?

BTW kumakain nga pala ako ng Kwek-kwek ngayon dito sa labas ng palengke malapit lang kase ang palengke dun sa simbahan saka para na rin Hindi ako ma-depress.

Iniisip ko  pa rin kong pano ko haharapin bukas....

Hayyyy ang daming gumugulo sa isip ko!

Una yung sa university tapos tong si lola pano kong totoo yung sinasabi nya Hindi ko tuloy na-eenjoy tong Kwek-kwek ko naka-tatlong baso na ko eh pakiramdam ko gutom pa rin ako.

Alas-Otso na nga pala kelangan ko ng umuwi mamaya masarhan pa ko ng gate may lahi pa naman ng kasungitan ang landlady namin.

Pag-daan ko sa malapit sa terminal ng Jeep kung saan ko iniwan si lola Hindi ko na sya makita dun umalis na siguro sya, sa totoo lang na-gi-guilty ako sa ginagawa ko sa kanya kanina medyo napalakas yata yung sigaw ko kanina eh. Pano ba naman ang mysterious ng sinasabi nya saka yung sinasabi nyang kalat ang Hindi nililinis para yung tatakpan kana ng dyaro ha.

May papatay ba sakin? Nakakatakot talaga!

Uuwi na nga lang ako.

"Kuya kasya pa?" Kaso lang malas talaga ako!

"Puno na eh mamaya ka nalang mag-intay ng susunod na Jeep mga alas-nwebe nandito na yun. O larga na! Larga!"

See? Ganon ako kamalas.

San naman ako pupunta nito nagugutom na pati ako ni-hindi manlang ako nabusog sa Kwek-kwek na yun nasayang pera ko dun 12 pa naman ang isa nun. Tse.

____________

Pumunta muna ako dito sa kantin para kumain at syempre para narin mag-antay ng next batch.

"Dalawang kanin po saka-"

"Mukha syang manang"
"Nerd yan kupal"
"Umalis na nga tayo dito!"

Uupo palang ako ng nagsi-alisan na yung tatlong lalaki sa tabi ng uupuan ko. Yung totoo nakaka-hawa ba ang kapangitan? Akala mo naman may virus ako kung makalayo sila wagas Hindi naman ka-gwapuhan nakapag-ayos lang.

Sapakin ko sila eh dagdag pa sa badtrip kong araw.

"Grabe famous na famous yung SNI tapos may panget na nerd lang na naka-puslist sa school na yun?"

"Ha nakakatawa!"

"Tingnan mo yun oh!"

Sabay turo sakin, isa pa to eh wala na bang mang-yayaring maganda sakin kahit isang beses lang ha?

"Eto na order nyo"

Sa tingin ko ito na yun ang mabusog manlang kahit papaano.

"Sabing binayaran ko na yan eh!"

"Hindi nyo pa nga ho yan nababayaran!"

"Oo nga dami-dami mo kumain tapos Hindi mo babayaran!"

"Aba hinahamon nyo ba ko ha!"

*BpingBNgggg

Pag-minamalas ka nga naman Ohhhh!

Ahhh i hate my life!!!

"Hoy ang bastos mo naman kumakain kami oh!"

"Oh bakit papalag ka!?"

"Ikaw pati Lamesa namin dinadamay mo!"

"Hoy awat na hoyyy!"

______________

Malas talaga! Ano ba namang kamalasan to ha?

Hindi na nga ko naka-kain kanina tapos naiwan nanaman ako ng Jeep ngayon?

Ayoko na talaga!

Arrrggghhhh!

Hayyy

PATIENCE CHRISTINE
PATIENCE CHRISTINE

Arrrrrgggghhhhh!

The Only Nerd in SNI UniversityWhere stories live. Discover now