Hindi ba sya titigil kakasunod sakin?
"Hoy Panget! Ano ba?!" Sige ipagsigawan mo pa!
Kanina pa sya nakasunod sakin sigaw ng sigaw na akala mo galing bundok!
Ganon ba talaga ang mayayaman pag-napagiiwanan?"Pwede bang wag mo na ko ng sundan!" Umakto naman syang nagulat at tumigil "WOW! Ang ganda mo ha! Akala mo ba sinusundan kita nandon yung sundo ko oh!" Napatigin naman ako sa harapan, nandon nga!
Haysst nakakahiya yun Christine ah. Epic fail!
"Eh bat mo ko tinatawag kanina?"
'Kala mo ha mag-papatalo ako sayo!
Just live in your dream because that will never happen in real life!"Ha? Wala akong binabanggit na pangalan e? Ikaw ba yun? Yung PANGET?"
Wow ha diniinan nya pa talaga yung salitang panget ha!
Teka tablado ako dun ah!
"Oh bakit natulala ka na dyan? Masyado na yatang nakakasilaw ang ka-gwapuhan ko! Bawasan ko na ba?"
Wah! Kaya naman pala ang lamig e ang lakas ng hangin ng lalaking to!
"Pwede ba hindi mo na kailangan yun kase-"
"Bat naman? Baka lalong lumabo yang mata mo?"
Ha! Ang yabang nya talaga!!
"Ahhh maka-alis na nga dito! Masyado ng mahangin!"
Haystt!
_________
Naglalakad ako ngayon pauwi ng bahay, no choice eh wala kesa naman matulog ako sa park no? Hello? Kahit mukhang street children tong itsurang to. May bahay pa rin ako noh!
Grabe ang lamig talaga. Malayo pa ba?
Kanina ko pa napapansing maagang nag-sasara yung mga tindahan, anong meron? Dati halos abutin na ng alas-dose bukas pa rin sila.Ano bang ganap?
Uhhhmmm?
Ahmm?
Shete! No way!
Lagot mag-e-earth hour nga pala ngayon!
Shete bat ko ba yun nakalimutan! Kelangan ko ng nag-pandalas makauwi sobrang dilim na mamaya! Hindi naman ako takot sa multo no pero iba pa rin e, tapos ang lamig-lamig pa mag-su-summer na kaya. Summer na nga e.
Ang layo pa naman! Ang haba pa ng lalakarin ko. Hayst anong oras na ba! Bat ko ba naman kasi nakalimutan yun e.
Please pauwiin nyo muna ako....
Pleaseeeee...
Pleaseeeee...
Pleaseeeee..."Pesteng yawa!"
Ahhh ganon na ba ko kamalas at pati yun hindi pa ko pinagbigyan?
Ha?
Hayst halos lahat pati nakapatay yung ilaw. Ayos ah nakikiisa na sila ngayon sa earth hour. Pero shuta naman oh pano na ko makakauwi nyan. May ibang street light ang bukas pa pero yung iba sira! Yawa talagaaaaa! Hah!
*Pffttt*
Peste naman oh! Muntik na kong mabangga dun oh!
"Hoy hindi ka ba maalam mag-drive umayos ka nga! Muntik mo na kong mabangga oh!" Sigaw ko rito.
Napanganga naman ako ng bumukas ang bintana nito. As in literal na nganga.
What did I just say?
Nakakahiya!
"Sorry Miss, hindi kita nakita e. Madilim na, want a ride? Hatid na kita sa inyo."
![](https://img.wattpad.com/cover/267869296-288-k644438.jpg)
YOU ARE READING
The Only Nerd in SNI University
AcakThis story is about to the college girl nerd named Christine she is from a very poor family who's lucky to be one of the student of SNI University.