"Hindi ba kayo makapaghintay?" nakakahurt HAHA :D ngayong ko lag narealize yung sinabi niya nung pumunta kami sa room nila para kunin yung phone niya. Parang dati lang gusto niya na ako yung pumunta sa room nila, pero bakit ganun? bakit parang ayaw niya? hindi naman ako pupunta dun kung hindi ko pa kailangan umuwi eh, hihintayin ko naman hanggang sa matapos na sila kung pwede lang.
Yun din siguro ang dahilan kung bakit hirap akong unang mamansin at magpunta sa room nila. Natatakot akong mareject, natatakot akong hindi pansinin pabalik atnatatakot ako na baka hindi niya magustuhan yung gagawin o sasabihin ko.
Nabasa na niya to (_ _) nakakahiya.. Pero sana hindi na niya ulitin. May tiwala naman ako sa kanya, kahit hindi niya sinunod yung usapan na hindi niya to babasahin hangga't hindi pa totally ok ang lahat. Sana lang sa pagtatapos nito, maging maayos na siya, malaman kung anong dapat baguhin sa sarili niya at matanggap na hindi ko kayang intindihin siya ng matagal..
IKAW! Sorry.. Sorry kasi sumuko ako, sorry kasi hindi ko na kinaya, sorry kasi sa baka sa tingin mo ang selfish ko, sorry kasi hindi ako kagaya mo. Mahal kita.. Mahal parin kita pero hindi ko na kaya. At hindi ko alam kung pag dating ng panahon ay kakayanin ko uli. Sorry
_broke

BINABASA MO ANG
Dearest Diary
RomansaHindi naman talaga story to.. Labasan lang ng sama ng loob at mga hinanakit Haha :D Kayo na ang bahala kung babasahin niyo. Alam niyo naman siguro kung gaano kahirap yung feeling na wala kang mapagsabihan diba? Yung parang wala namang makakaintindi...