December 26

14 0 0
                                    

"CRUSH" Crush!!!?!? Wala naman akong panama diyan eh. Simula grade 1 siya na yung crush niya, nagkita sila ulit at narealize niya na hanggang ngayon, sa tagal ng panahon, crush parin pala niya yun :3

Masakeeeeeeeet! Haha :'D sobrang sakit lalo na nung nag-GM siya.. "#confused" masakit lalo. Pero ano nga bang magagawa ko? Hindi pa naman kami.. oo nasabi ko na na mahal ko din siya, the way we treat each other parang kami na, pero hindi pa official kasi hindi pa pwede, hindi pa ako pwede.

Ang hirap pala ano? Yung ganung set up.. kasi kahit gustong gusto mo siyang ipagdamot, kahit gustong gusto mong sabihin na dapat sayo lang siya, hindi mo magawa kasi wala pa namang kayo at karapatan siyang magkagusto sa iba... Kahit ganun yung mga naiisip ko, na may papalit na sakin, sabi niya ako parin naman daw, na pag college na, ippause muna namin yung kung ano man yung meron kami, magkakaroon kami ng freedom para magkagusto o magmahal ng iba, at kapag dumating yung time na pwede na, pag wala paring nagbago sa nararamdaman ng isa't isa, itutuloy namin yung kung ano man yung natigil. Mahirap pero umaasa ako na sana pag dumating na yung time na yun, mas matured na kami, mas maiintindihan na namin yung isa't isa, mas magagawa na namin yung mga bagay na makakapagparamdam ng pagmamahal namin. Mahirap pero kailangan. Siya ang first love ko, sabi nila mama "una palang yan, madami pang dadating kaya maghintay ka lang" naisip ko din na baka dahil sa nasanay ako na nadiyan siya lagi kaya ganito yung nararamdaman ko.

Pano pag natapos na lahat to? Kakayanin ko ba? Makakaya ko ba na sa araw araw na paggising ko, may posibilidad na may iba na siyang gusto? Mahirap.. sobrang sakit TT_TT

_brokenBebe

Dearest DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon