Nandito ulit ako ^_^ haha.
Being with my babies, tiny and love, for a period of time.. hindi na ako sanay na wala sila sa tabi ko everytime na matutulog ako, especially love, hindi ko sila kayang iwan lang sa bahay na alam kong may isang gabi na hindi ako uuwi. And siyempre everytime na nakikita hinahug ko sila, hindi ko mapigilang hindi mamiss yung taong nagbigay sa kanila sakin. I want to be with him again pero I need to stand with my decision, nasaktan ko na siya nung umayaw ako kasi hindi ko na kaya at tinulungan din naman niya ako maglet go..
Naguguluhan ako, SOBRA. Hindi ko alam kung tama ba yung naging desisyon ko kasi tuwing nakikita ko siya na kasama yung mga kaibigan niya, nakikita ko siyang masaya kahit papani, tuwing tinatanong nila siya sa akin o kung kamusta na kami, hindi ko mapigilang makaramdam ng kirot at pagsisisi. Pero sa kabila ng lahat ng yun, alam ko na may purpose siGod kung bakiit ganun yung nangyare samin.
Papalapit na nang papalapit ang pinakahihintay naming pagtatapos at kasabay nun, papalapit na pala nang papalapit yung time na hindi ko na siya makikita ng kahit sa malayuan lang.
Nasasaktan ako everytime na makikita ko siyang bumabalik nanaman sa dating hilig niya, pag sinasabi nila sakin na ganun ulit siya.. Pakiramdam ko kasalanan ko lahat, pakiramdam ko ang sama ko para gawin sa kanya yun.
Walang oras na hindi ko ginustong sumaya siya, na sana kahit hindi na kami kagaya ng dati, ayusin niya parin yung sarili niya parasa kanila ni mama niya at para din sa kanya, na sana wag niyang pahirapan at pabayaan yung sarili niya.
IKAW!, siguro binabasa mo nanaman to, makulit ka eh, sana naman alagaan mo yang sarili mo. Tatanggapin ko kung may galit at sama ng loob ka sa akin, naiintindihan ko yun dahil nasaktan naman talaga kita. Sana pag dating ng araw maging totoong masaya ka na. Mahal kita.. Mahal parin kita. Siguro hindi na kagaya ng dati, pero mahal parin kita.
_KungSino _ManAko
BINABASA MO ANG
Dearest Diary
RomanceHindi naman talaga story to.. Labasan lang ng sama ng loob at mga hinanakit Haha :D Kayo na ang bahala kung babasahin niyo. Alam niyo naman siguro kung gaano kahirap yung feeling na wala kang mapagsabihan diba? Yung parang wala namang makakaintindi...