Hey! Alam niyo ba? May mahal ako.. Oo meron :D 2 years na simula nung sinabi niya sakin na mahal daw niya ako. Pero ngayon? Mukhang nauubusan na ng tinta yung nagsusulat ng love story namin, lumalabo na kasi. Masakit, pero alam ko namang kasalanan ko din. Madami akong mga bagay na hindi nagagawa para sa kanya, yes nageeffort ako pero alam kong kulang yun. Ang hirap lang tanggapin na anytime soon pwede siyang mawala sa akin. Nafifeel niyo ba ako? Haha :D napakadrama ko, pero totoo yung nararamdaman ko. Sabi nila bata pa kami para sa love love na yan, pero age doesn't matter diba? Sinusunod parin naman namin yung parents namin eh, nagaaral ng mabuti, dean's lister nga ako since first year.
Alam niyo? Kahit hindi ko alam ipakita at iparamdam, alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya.. mahal na mahal.. nakakatawa nga eh, kasi sa dami ng mga nagkagusto sakin dati, siya pa yung nagustuhan ko. Siya na medyo selfish, siya na possessive, siya na maiksi ang patience, siya na napakadali at sobra kung magalit.. pero kasi ganun siya, sobrang sweet niya parin, he's caring, kaya niya akong ipagtanggol laban sa iba (though kadalasan kaya ganun kasi binubully ko sila) totoo siya sa sarili niya at alam niyang iadmit pag may mali siyang ginawa.. Sabihin niyo nga sakin, mali bang minahal ko siya?
- brokenBebe
BINABASA MO ANG
Dearest Diary
RomanceHindi naman talaga story to.. Labasan lang ng sama ng loob at mga hinanakit Haha :D Kayo na ang bahala kung babasahin niyo. Alam niyo naman siguro kung gaano kahirap yung feeling na wala kang mapagsabihan diba? Yung parang wala namang makakaintindi...