Akala ko kaya ko… Akala ko lang pala.
Akala ko ayos lang… Hindi pala.
Akala ko easy easy lang… Sobrang hirap pala.
Akala ko maiisip niya… Hindi pala siya nag memo plus gold.
Akala ko… aaargh! Puro nalang akala! Lagi nalang akala! Nakakaasar na… nakakainis... nakakaiyak… BABAE ako kaya OO, vulnerable din ako. Pinipilit kong maniwala, pinipilit kong isipin na meron, pinipilit kong isipin na kailanan lahat to, pinipilit kong intindihin pero hindi ko kaya! Hindi ko kaya kasi sa totoo lang, ang sakit sakit na :’(
“Pano kung kailanganin ko ng iba para makapag move on? Ok lang ba?”
Oo naman, ok lang… Ok na ok na ok lang, wala namang problema eh, ayos lang… Oo, sige lang. susuportahan kita, gusto mo ako magsuggest kung sino? Pakilala mo sakin ha? Sabi ko nandito lang ako lagi para sayo diba? Eh di ipupush kita.. No hard feelings, Promise, Swear, peksman, cross my heart, period No Erase..
Taeng yan! Isa lang naman kasi talaga yung gusto ko eh, yung kayanin niya kahit hindi na kami gaya ng dati.. Yung maging masaya siya kahit na hindi na ako yung reason ng bawat ngiti niya. Ayos lang sakin yun, ok lang… basta ang importante masaya siya, yung saya na hindi niya naranasan sakin kasi puro sakit lang naman ang pinaparamdam ko sa kanya.. Yung totoo? Kailangan lahat ng first love sa sakit nagtatapos? Lechon de Leche’ng pag-ibig yan oo. Tagos! Back and forth, kahit naka sisters All night with wings.. Nakakapagpadugo ng PUSO.
BINABASA MO ANG
Dearest Diary
RomanceHindi naman talaga story to.. Labasan lang ng sama ng loob at mga hinanakit Haha :D Kayo na ang bahala kung babasahin niyo. Alam niyo naman siguro kung gaano kahirap yung feeling na wala kang mapagsabihan diba? Yung parang wala namang makakaintindi...