Dami ko ng utang na days dito ah? HAHA :D
Alam niyo ba? *siyempre hindi* nung mga days na wala akong update dito? yun yung days na hindi ko alam kung ilang piraso na yung hati ng puso ko.. Napaka sakiiiiiit, kuya Eddie.. XD
Pero ngayon? It's finally over.. Wala na.. Ayaw na.. Sumuko na ko samin.. Alam mo yung feeling na gusto mo pang ituloy kasi tingin mo kaya mmo pa pero pag nagsalita o pag nagalit na siya nasasakal ka na? Yung tipong siya nakang lagi yung gusto niyang masunod? Yung ultimo katabi mong lalake pagseselosan niya? ganun yun eh. Kaya siguro kahit mahal na mahal ko siya, kinaya kong bitiwan nalang siya.
"Babae ka, wag mong hayaan na ikaw yung sunud-sunuran" ex-girl'classmate
""Dapat iniintindi ka niya, hindi yung sinasakal ka niya sa mga gusto niya.. Dapat sayo yung lalakeng kahit alam na tinitoyo ka, hindi maiinis sayo. Sa ganda mong yan, madami pang lalakeng dadating sayo, ano pre? (sabay lingon sa katabi ko)" present boy classmate.
Tama nga naman sila, kung masasanay siya na laging siya lang yung nasusunod, pano nalang kung mas matagal pa? pano nalang kung kami na talaga? eh di mas grabe pa?
Kanina sabi ko sa kanya, baguhin niya yung kung ano yung alam niya na kailangan niya baguhin sa sarili niya, tapos tinanong ko siya "Ano ba sa tingin mo yung kailangan mo baguhin?" Alam niyo ba kung ano yung sinagot niya? Sasabihin ko sa inyo,.. sabi niya, "satisfied naman na ako sa sarili ko" ayos diba? that broke my heart even more, alam niyang nasasaktan niya ko, alam niyang nahihirapan ako but still, hindi niya parin alam kung ano yung mali sa kanya kahit sinasabi ko na.
Ayokong magbago siya, o baguhin niya yung kung ano man sa kanya nang dahil lang sa akin, gusto ko yung gustuhin niya ding magbago para sa sarili niya.. Pero sa ngayon? mukhang malabo pa yata mangyareng mare-realize niya yun lahat.
The hardst part of letting go para sakin is hindi ko siya totally maiwasan kasi alam ko naman sa sarili ko na mahal ko parin siya. Pero kailangan ko tong gawin hindi lang para sakin kundi para sa kanya na din.
"Pain demands to be felt" - ang bossy ng dating no? :D pero totoo nga yata kaya ko nararamdaman to
_BrokenBebe <//3

BINABASA MO ANG
Dearest Diary
RomanceHindi naman talaga story to.. Labasan lang ng sama ng loob at mga hinanakit Haha :D Kayo na ang bahala kung babasahin niyo. Alam niyo naman siguro kung gaano kahirap yung feeling na wala kang mapagsabihan diba? Yung parang wala namang makakaintindi...