December 27

16 0 0
                                    

Ang drama kooooo! =_= pero bang magagawa ko? Eh sa nasasaktan ako eh, hindi niyo naman ako kilala diba? Kaya malamang wala kayong pakialam sakin.

Dati ginusto ko ng mawala nalang yung kung anong meron kami kasi alam ko na yun yung makakaayos ng lahat, pero bakit ganito ngayon? Bakit ayokong mawala lahat ng yun? Akala ko magiging madali lang ang lahat kasi hirap na hirap na din ako, madalas nasasaktan ako pero bakit ngayon, bakit hirap na hirap ako sa sitwasyon namin?

Sabi niya wag daw akong iiyak, wag ko daw siyang iiyakan kasi hindi naman niya deserve ang mga luha ko, lagi lang naman daw niya akong nasasaktan at puro hirap lang binibigay niya sakin. Pero wala akong magawa! Mahal na mahal ko siya at ang pagiyak lang ang alam kong paraan para kahit papano mabawasan yung sakit, para kahit papano gumaan yung loob ko, para makatulog ako at kahit papano makatakas sa sakit na nararamdaman ko.

Masaya siya, alam kong pinipilit niyang kayanin.. Masaya na din ako dahil dun kasi alam kong may mga taong nagpapasaya sa kanya, mga taong kahit kailan ay hindi siya sasaktan at handa siyang alagaan, mga taong gagawa ng mga bagay na dapat ako ang gumagawa pero hindi ko naman magawa, mga taong mahal na mahal siya at nagagawa nilang iparamdam yun sa kanya.. Ano nga ba ang karapatan ko sa kanya? Wala naman eh, kasi hindi naman kami, kasi kahit kailan naman hindi ko nagawang protektahan ang feelings niya laban sa sakit, kasi kahit kailan wala akong nagawang mabuti para sa kanya.. Siya yung laging nageeffort, yung laging umiiyak, sabi nila normal lang daw na siya dapat mas magHirap kasi siya naman yung lalake, pero diba? Responsibilidad ko din na suklian lahat yun kasi mahal ko siya at nasabi ko na din yun sa kanya?

Ang sakit, kasi araw araw, habang papalapit na ang graduation, papalapit na din yung time na ipopause na namin kung ano man yung meron kami, pause lang daw kasi hindi naman ititigil at pwede naming iplay ulit pag dating ng panahon. Masakit isipin na unti unti niya akong hinahanda sa pagdating ng araw na yon kasi ayaw niya na lagi akong umiiyak habang siya ay walang magawa para icomfort ako. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko na siyang makasama pero hindi pwede, hindi pa pwede. Kung may hihilingin man ako, yun ay yung sana, kahit isang linggo lang, hayaan nila kaming maging masaya habang magkasama, na sana sa isang linggo na yun, hindi kami matatakot na ipakita at iparamdam yung pagmamahal namin sa isa't isa kasi alam namin na payag naman sila.. Sana lang.. Sana pag dating ng panahon, maging maayos na ang lahat. :'(

_brokenBebe

Dearest DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon