He's with his ex classmates kanina, I wonder kung kasama dun yung crush niya.. I can't help but think na sobrang mas masaya at nageenjoy siya kapag sila yung kasama niya kaysa sa pag kaming dalawa lang magkasama. Kaasar ako no? puro nalang sakit or masakit yung mga pinagsasabi ko dito Haha :D matatapos din naman to, sana..
Alam niyo yung feeling na, sobrang gusto mo na siyang makasama, sobrang gusto mo na na maging kayo na talaga pero wala kang magawa kasi nga hindi pa pwede. Ayaw ko namang suwayin yung parents ko, lalo na si mama kasi minsan ko nang nasira yung tiwala niya sakin. dalawang beses na nga yata eh, ayoko namang dahil lang sa love eh masira yung relationship namin ni mama.
Yun lang naman kasi talaga yung problema kung tutuusin.. Yung mga mama namin. Well, I can't blame them for that kasi alam ko naman na future lang namin ang iniisip nila at ginagawa lang nila yung kung ano sa tingin nila ang tama at dapata para sa amin. Minsan iniisip ko, bakit ba hindi nila kayang magtiwala na kaya naming pagsabayin ang love sa studies, wala pa naman akong nafifail na exam at consistent naman ang grades ko., tumaas pa nga eh. Ang gusto ko lang naman kasi sana is yung bigyan nila kami ng chance, paghindi nagwork then kami na mismo ang titigil..
Pero alam ko din naman na everything happens for a reason, hindi naman hahayaan ni Lord na mangyare to kung wala Siyang pinaplano diba? Sa tuwing nagaaway kami, lagi kong pinagdarasal na Siya na ang bahala sa amin at sa kung ano man ang meron kami. Kay Lord ko din inaasa ang mga mangyayare sa buhay ko, humihingi ng signs at nagpapaubaya nalang.
"Memories" yan yung gusto naming pareho na madagdagan.. He wants pictures, pictures namin together. gusto niya ng maraming maraming ganun.. It's not too much pero nahihirapan akong tuparin yun, parang lagi kasing hindi perfect yung timing. Ilan palang ba ang pictures namin? Malamang kung bibilangin, sobra sobra pa yung mga daliri ko sa kamay. Oo, sa almost 2 years na yun ganun palang kakonti ang pictures namin.
May nakwento pala si mama sakin, noong nagbreak daw sila ng first true boyfriend niya ay 3 years daw niyang iniyakan yun. Ako kaya, ilang taon ko siyang iiyakan pag nawala siya sakin? Kahapon, 3:50 ng umaga nagtext siya sakin, hindi ko naman daw tinext yung 'good night' message ko sa kanya, that time hindi pa ako inaantok, wala pa akong tulog at basang basa na yung unan ko ng laway, joke lang :D ng luha.. Nagreply ako, taka siya kung bakit gising pa ako, pinilit kong magmukhang masaya para hindi siya magalala, buti nalang kumagat at naniwala siya. After ng madaming pilit ay nagawa ko ding patulugin siya ulit, makulit eh matulog daw muna din ako bago siya matulog ulit.. Natuwa ako pero naiyak lang din ulit, he's so sweet and caring, and i can't afford losing someone like him.
Gusto kong makita niya na kaya ko, gusto kong isipin niya na kahit papano ay masaya parin ako. Ano bang silbi ng humor na ipinagkaloob ng Diyos sa tatay ko na siya namang namana ko kung hindi ko naman gagamitin diba?
Namimiss ko na siya.. Yung boses niya.. yung pagiging corny niya.. yung jokes niyang mahahalata mong sobrang pinaghirapan dahil waley.. yung pagcomfort niya sakin pag hindi ako ok.. yung hugs niya.. yung pagsabi niya na ok ang kahit umiyak ako kasi nasa tabi ko lang naman daw siya lagi.. yung pagsosorry niya pag alam niyang nasaktan niya ako.. yung buong siya, yung siya mismo namimiss ko.. - ̫-
_brokenBebe
BINABASA MO ANG
Dearest Diary
RomansaHindi naman talaga story to.. Labasan lang ng sama ng loob at mga hinanakit Haha :D Kayo na ang bahala kung babasahin niyo. Alam niyo naman siguro kung gaano kahirap yung feeling na wala kang mapagsabihan diba? Yung parang wala namang makakaintindi...