29• WEDDING DAY

1.7K 21 0
                                    

JAENA's POV

Tatlong araw na pero hindi parin nagigising si Max.

Ilang araw narin pabalik-balik sina Ma at sina Brent..

"Kamusta na siya?" Sabay tanong ni Red ng bumukas ang pinto..

Umiyak naman ako ng umiyak kasabay ng tanong na ito.

"Kasal na namin bukas Red, pero hindi parin siya nagigising.."

"Magdasal ka Jaena.. 1 month nalang din at manganganak kana.."

Agad naman akong napahawak sa tiyan ko..

Dumating sina Brent, na walang kasing ingay ang pagkukwentuhan.

Nang bigla naming mapansin ang dahan-dahang pagmulat ng mata ni Max..

Dali-dali naman akong lumapit sa mukha niya at pinunasan ang mga luha ko.

Tumingin-tingin muna siya sa paligid at kumurap-kurap..

Agad ko namang pinatawag an doktor upang masuri agad si Max..

Ilang minuto lang at dumating ang doktor sa room..

"Doc.. Kamusta na po siya? Ayan po, okay naman po pala siya.. Tignan niyo po Dok nagising na siya.." Pagsasalita ko sa Doktor.

Nakita ko ang pagtingin sakin nila Brent na parang awang-awa..

Tinignan ng Doktor si Max at dahan-dahang tumingin sakin..

"Nasan po ako? Ano po bang nangyari sakin Doc?" Pagsasalita ni Max sa Doctor.

Ngunit ako na ang lumapit ang nagexplain kay Max..

"Babe, nasa Hospital ka ngayon.. Nagkaroon kasi ng accident nung kinukuha mo ang tuxedo mo.. 3 days ka na ngang tulog eh." Masaya ko namang magiisplika..

"Sino ka? Si Doc ang tinatanong ko.." Natahimik kaming lahat sa narinig namin..

Hindi ako nakapagsalita sa sinagot ni Max..

Natulala ako sa narinig ko.

Sino daw ako!!?

Ha!?

Letche naman ohh!!

Hanggang ngayon ba naman!!?

"Doc, hindi ko naiintindihan. Anong nangyayari.." Muli ko pang pagsasalita..

"Maam.. Nagkaroon ng konting problema sa utak ng pasyente.. Hindi namin alam kung hanggang kelan hindi makakaala si Max.."

"Ano!? Anong makakaalala!?" Muli ko pang pangungulit.

AMNESIA!?

AMNESIA BA KAMO!!?

HOLY!!

TOTOO BA TO?

NASA MOVIE ATA KAMI?

"Dahil sa matigas at matulis na bagay ng truck na tumama sa ulo niya, nagkaroon ng hindi magandang resulta ang utak ng pasyente.."

"Doc!! Deretchuhin niyo ko!" Malakas kong sabi..

ANO BANG KASALANAN KO AT GINAGANITO NYO AKO!

"Amnesia.. May Amnesia ang pasyente. I am sorry." Tsaka na umalis ang doctor sa room.

Tumingin ako kay Max, na nakatingin din sakin..

Naiyak ako at napaupo sa upuan, at ganun naman kabilis ang pag-alalay sakin nila Brent..

"Jaena, iuuwi na muna kita.." Pagsasalita ni Red.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon