18• TRUTH

1.7K 31 1
                                    

MAX's POV

"Max." Tsaka ako tinap ni Brent.

Hindi ako kumibo.

Malayo padin ang iniisip ko..

Masyado ko atang nasaktan si Jaena sa pagpapanggap na naging paraan namin.

"Success nga ang plano mo, nasaktan mo naman ang mahal mo." At umupo siya sa tabi ko kasama ang dalawang alak.

Agad kong kinuha ang alak at ininom..

Para naman medyo humilom ang nararamdaman ko.

"Wala naman akong choice.. Eh kung yun lang ang paraan para umalis ng Pilipinas ang mama niya. Gusto ko ng makasama si Jaena bro. Kaya nga nung nalaman niyang wala nakami, ayan at ready ng mag-ibang bansa ulit. Atleast malaya nakami ni Jaena.. Wala ng mga securities na nakabantay.."

Pareho lang kami ni Brent na nakatingin sa malayo..

Ganyan naman talaga kaming magkaibigan.

"Wala ngang bantay, papano mo naman ipapaliwanag kay Jaena yang pinaggagawa nyong paraan. Masasakit na nga ang mga salitang binabato niya sayo eh. Siryoso siya, at halatang nasasaktan.."

"Sa totoo nga lang, nararamdaman ko kung gano ko nasaktan si Jaena.. Ang kaso, yun lang ang paraan.. Parang hindi na niya ko matatanggap ulit. Akala niya pinaglalaruan ko nalang siya."

"Gago ka rin kasi, marami naman ibang paraan.. Yun pang ipapakita mo sakaniyang may iba kang babae.."

"Sa tingin mo ba kung ibang paraan pa ang gagawin ko, tatalab sa mommy niya? Brent, hindi lang basta-basta ang mommy ni Jaena.. Marami silang connections.. At anytime na mali ang maging paraan ko, mas lalala pa ang parusang gagawin niya kay Jaena.."

"Sige nga, anong balak mo ngayon? Ngayon na sobrang galit sayo si Jaena?"

Pero hindi ako nakasagot.

Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag kay Jaena ang bobong paraan na ginawa ko.

*FLASHBACK*

"Gail, gusto kong bisitahin mo si Jaena sa bahay nila.. Alam kong pinagkakatiwalaan ka ng mommy niya.." Pagsasalita ko kay Gail..

Nandito kami ngayon sa backyard at nagpaplano..

Alam kong si Gail lang ang makakatulong sakin dahil siya lang ang nag-iisang taong malapit kay Jaena..

Kaya alam kong tiwala sakaniya ang Mommy nito.

"Ha? Bakit? Ang dami kayang bantay nun." Sagot naman niya.

"Gail, ikaw lang ang makakatulong sakin.. Gusto kong kasabwatin mo ang mama ni Jaena.. Sabihin mo na pupunta kayo ng mall.. Kunwari sabihin mo sa mommy niya na may babae ako at laging sa mall ang puntahan namin.. Ipapakita natin na pinagtataksilan ko si Jaena.. At kunwari gugustuhin mong maghiwalay na kami kaya sisikretuhin mo ang mommy niya na i-set up pumunta sa mall si Jaena.. Gets mo ba?"

"Ayoko. Masasaktan natin si Jaena sa paraan na yan.."

"Gail, diba ang gusto lang naman ng mama niya maghiwalay kami?? Oras na mismong ang mama niya ang naka-figure out na makikipaghiwalay sakin si Jaena, siguradong mapapanatag na ang loob niyang iwan na si Jaena at bumalik na ng ibang bansa."

"Kung sabagay tama ka.. Pero papano nalang kayo ni Jaena.. Pano natin ipapaliwanag ang magiging paraan sakaniya??"

"Mapapaliwanag nalang natin kapag umalis na ang mama niya. Kailangan maging malinis ang paraan. Dahil isang pagkakamali lang, mabubuking din tayo agad.."

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon