9• MEMORABLE SUNDAY

2.5K 45 0
                                    

JAENA's POV

Heto at Sunday ngayon.

May day off kaya ako sa agreement?

Sana naman meron.

Naninikip ang dibdib ko kapag naaalala kong sa araw-araw nagkaka-mission ako.

Para bang araw-araw kailangan may mga bagay pa kong sundan bago yung sarili kong kagustuhan.

*BEEP!

From Mr. Demon

[Sunday right.. You can rest. Monday to Saturday lang ang kasunduan.]

Message Received!

7:30 Am

Yeeeeeees!!!!!!

Ang bait mo talaga Bro!

Narinig mo agad ang panalangin ko!

Maglalakwatsa muna ako ngayon!!!

[GAIL! Tara alis tayo ngayon!!! Bestfriends Day!]

Message Sent!

7:32 Am

*BEEP!

From Bff Gail

[Sorry Jaena, masakit pakiramdam ko ngayon ehh. Nextime nalang babawi ako, lavyu! :*]

Message Received!

7:35 Am

Ayy. Ano ba yan.

So Sunday means solo day???

Well, ano pa nga bang magagawa ko diba..

EDI AKO NALANG MAG-ISA :D

Nagbihis ako ng kahit anong bihis lang, tutal ako lang din naman magisa.

Kakain nalang ako at maglalakad lakad, mamimili at kung saan-saan mamasyal.

Kumain muna ako sa KFC..

Paborito ko kasi yung vegetables na itinitinda nila dito, pati yung malalaking fries nila na super yummy.

Sinamahan ko na din ng rice and chicken para naman mabusog ako.

Breakfast ko muna to syempre..

Then ilang minutes lang natapos na din ako.

Lakad..

Lakad..

Lakad..

Yup!

Nasa mall ako ngayon.

Mahilig ako sa jewelries, mga damit, shoes pero hindi sa bag..

Ilang oras din akong naglalakad..

- 3 hours later..... -

Nagpunta muna ako sa Starbucks kasi nauuhaw na ako.

Well marami-rami na din akong nabili..

Nag-order lang ako ng isang Chestnut Praline Latte..

Habang naghihintay ako, kunwari may katext ako para naman hindi ako magmukhang kawawa.

Kalkal ng pictures, tingin-tingin..

Tingin ng message, tingin-tingin..

Hayyyy...

"Hey ganyan ba ang ginagawa ng naghihintay ngayon?" Rinig kong boses na nagsalita malapit sa tenga ko.

"Ay KABAYO!" Syempre mabibigla ako no. Ang siryoso ko kayang nagtitingin ng kung ano-ano dito.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon