Madalas kung kelan masaya kana sa kung anong buhay na meron ka, meron at merong padin'g darating para wasakin lahat ng pinaghirapan mo..
Yung minsan mo na nga lang makakamit yung kasiyahang matagal mo ng pinapangarap..
Pero sa huli...
NGANGA PARIN PALA.
Akala mo kasi minsan nagtagumpay kana..
Pero naguumpisa palang pala ang laban.
At kung susuko ka..
Isipin mong mabuti kung bakit sa una'y nakipagsapalaran kapa..
JAENA's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko.
Nakabihis at nakaready na para puntahan si Max sa bar..
Oo ayaw na niya akong kausapin..
Kaya ako na mismo ang lalapit para sabihin ang lahat sakaniya.
2 weeks na ang nakakalipas, at naguumpisa na rin'g lumaki ang tiyan ko..
Sa 2 weeks na yon, simula nung kausapin ako ni Gail.
Nag-try akong suyuin si Max..
*FLASHBACK*
"Hi Max." Then I wave my hand..
Pero tinignan lang niya ako at nagtuloy-tuloy sa paglakad.
Another day...
Nakita kong nakaupo si Max sa ilalim ng puno at tulog na tulog..
"Max.. Miss na miss na kita.. Kamusta kana?" Bulong ko kahit tulog pa siya.
Hahalikan ko sana ang noo niya ng biglang....
Minulat niya ang mata niya..
Matagal niya akong tinitigan bago siya nagsalita.
"Umalis ka nga." Tsaka siya tumayo at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa mukha niya..
Maluha-luha na'ko..
Tsaka naman niya ako tinalikuran at umalis sa harap ko..
"MAX!" Sigaw ko kaya tumigil siya sa paglakad..
Tsaka naman ako umiyak ng umiyak sa sakit ng loob ko...
Pero patuloy na siyang lumakad..
Oo..
Tanging pag-iyak nalang ang nagawa ko habang pinagmamasdan ang pag-alis ng taong sobrang mahal na mahal ko at napakawalan ko ng dahil sa katangahan ko...
Kung naririnig mo lang ako Max..
Kung masasabi ko lang sayo..
Mahal na mahal kita..
At hinding-hindi nagbago yun...
Pinilit kong tumayo at hinabol si Max..
Isang chance..
Isang try..
Isa pa..
Isa nalang..
Para sa pagmamahal ko sakaniya...
Kahit nakatalikod pa siya...
Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit....
Pilit niyang inaalis ang pagkayakap ko..
"MAX MAHAL NA MAHAL KITA!!!!!" Kasabay ng isang malakas kong pagiyak.
Tumahimik lang siya..
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED
RomancePaano ko maipapaliwanag ang mga bagay na hindi ko naman inaasahang mangyayari? What will you do, if you are ME? My life is full of mess, but not until he came.. I am not just existing anymore! I AM ALIVE, AND LIVING AS JAENA SWITSER because of that...