6• INFATUATION

2.2K 39 0
                                    

JAENA's POV

Oo, biglang-bigla ako sa nalaman ko na si Max pala ang lalaking nakabanggaan ko nung gabing yon.

Pero dahil sa kaba ko, kumulo ata ang sikmura ko at nasukahan ko siya..

Oo, nasukahan. Pinaka-nakakahiyang nangyari sa buhay ko...

Paano nalang to ngayon.. Maghimatay-matayan na lang ako ulit..

BLANK!!

Oo, kunwari lang na nahimatay ako..

Para makatakas sakaniya..

"THERE SHE GOES! Ayan nanaman, nahimatay nanaman siya." Rinig kong sabi ni Max at mukhang mainit na naman ang ulo..

Ooohh..

Pretend, pretend..

PRETEND

"Hey Max, what happened?" Narinig ko naman ang boses ni Brent..

"Itanong mo jan sa magaling mong kaibigan. Buti pa ikaw ng maghatid sakaniya, baka kung ano pang magawa ko jan." Aba!

Ang sama pala ng Max na to ehh.

Akala niya ba susuko ako sakaniya..

Pwes maghanda din siya.

"Sige ako ng maghahatid sakaniya." Tsaka ko naramdamang binuhat ako ni Brent..

Gentleman as always...

Ilang oras lang at nararamdaman kong nasa byahe nakami..

"BULAGA!!" Ginulat ko siya at hindi naman ako nabigo..

Hahaha ang cute niyang magulat..

"Kanina kapa gising??" Pero ang tingin niya sa kalsada padin..

"Cute.." Biglang takip ko sa bibig ko!! Omg..

"Ha?" Tsaka siya napa-smile..

"Wa-wala.. Ngayon lang, kakagising ko lang.." Sagot ko naman..

"Ahh.. Saan nga pala ang bahay mo?"

"Ahh ituturo ko nalang, marami kasing pasikot-sikot yon.." Tsaka ako tumingin sa daan.

"Okay sure.."

Ilang minutes lang ay tumahimik nanaman ang atmosphere..

"Ano nga palang nangyari sainyo kanina??" Tanong naman niya para mabasag ang katahimikan..

"Ah ano, kase.. Si Max pala yung lalaking nakabungguan ko nung minsang gabi.. Kaya pala ganun nalang kainit ang ulo niya sakin.."

"Ganun lang talaga si Max.. Cold hearted, pero hindi ka naman niya sasaktan kahit gano pa kainit ang ulo niya.."

Tumingin lang ako sakaniya at hindi na kumibo..

Napansin kong lumagpas kami ng mga limang bahay sa bahay ko kaya naman agad akong nataranta..

"Bi-brent! Ayun, ayun ang bahay ko!!! Pasensya na ha.." Tsaka niya inatras ang kotse..

Agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto..

"Salamat.." Tsaka na ako nagbukas ng gate.

"Ang cute naman ng bahay mo." Tsaka niya tinitigan ang bahay.

"Ako lang kasing mag-isa.." Hehe clue na yan uy! Hina mo pre!

Samahan moko dito.

Haha joke!

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon