MAX's POV
Nagkatitigan kami ni Jaena nung biruin ko siya'ng daig pa niya ang buntis kung kumain..
Actually nagbibiro lang naman ako..
Pero ewan ko, parang nabigla siya sa biro ko.
Hindi ata magandang biro yon.
"Hey Babe, nagbibiro lang naman ako.." Tsaka ulit niya ibinaling ang atensyon niya sa kinakain niya.
"Babe ayoko na."
"Ha?" Tsaka niya ibinigay sakin ang empty box ng pizza.
Umakyat siya ng hagdan at binuksan ang kwarto niya.
Nakakatawa talaga siya.
"Umuwi kana. Inaantok na'ko. Thankyou ha." Nag-smile nalang ako kahit medyo weird ang tono niya.
Biga kasi siyang nawala sa mood, eh ang saya-saya palang niya kanina.
"I love you." Tsaka ko na siya hinalikan sa noo.
Pero isinara nalang niya ang pinto ng hindi man lang sumasagot sakin.
Napikon ko nga ata siya..
Pumunta na'ko ng bar para imeet ang mga gunggong kong kasama..
Nagstart na din pala ang disco.
Kaya naman dumaretcho na'ko sa taas.
"Hoy!" Bati ko sakanilang lahat..
"Si Max pala to! Kamusta na Bro!" Tsaka sila tumingin sakin lahat..
"Okay naman. Bakit? May nangyari ba?" Dahil mukhang nabigla sila.
"Ikaw na Dean." At nagtititigan pa sila..
"Ayoko, ikaw nalang."nagpasahan pa ang mga gunggong..
"ANO NGA!?" Malakas kong sabi kaya naman napilitan ng magsalita ang isa sakanila.
"Si Natalia nasa baba, binibili ng dobleng presyo ang bar natin." Pagsasalita ni Brent.
"Ohh tapos pumayag kayo!?" Tsaka naman nagsalubong ang kilay ko.
"Kung samin, okay na ang deal. Ikaw lang talaga ang hinihintay namin." Pagsingit ni Andy.
"HINDI. AYOKO. Pinaghirapan natin to tapos ibebenta niyo lang sa babaeng yon!?"
"Kaya lang kase-.." Pero hindi ko na pinatapos si Drew sa pagsingit niya.
"AYOKO. TAPOS!" Magwo-walk out na sana ako ng biglang...
"Nasabi na pala nila sayo.." Oo, si Natalia na paakyat ngayon..
"HINDI NAMIN BINEBENTA ANG BAR." Tsaka ko siya nilagpasan.
"Tripleng presyo.. Gagawin kong triple." Pahabol niya.
Kaya naman humarap ako sakaniya.
"Bakit hindi nalang ibang bar ang bilhin mo, bakit pilit mong pinagdidiskitahan tong bar na to?"
"Kasi ikaw ang may ari." Tsaka pa niya ako hinaplos haplos.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya hanggang sa masaktan na siya.
"A-aray!!!" Reaction niya.
"Tigilan moko. Wala ka nanamang magawa sa buhay mo." Tsaka ako umalis sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED
RomancePaano ko maipapaliwanag ang mga bagay na hindi ko naman inaasahang mangyayari? What will you do, if you are ME? My life is full of mess, but not until he came.. I am not just existing anymore! I AM ALIVE, AND LIVING AS JAENA SWITSER because of that...