11• SLOWLY FALLING

1.8K 42 3
                                    

JAENA's POV

Nakatingin lang ako ngayon sa bintana, nakakatamad kasi tong professor namin.

Nakakaantok pa, besides...

Lahat ng tao, eh ako ang pinaguusapan, tapos absent pa tong bestfriend kong si Gail.

Sino nalang makakausap ko diba?

Hindi ako pala-kaibigan.

At mas lalong hindi ako namimili ng kakaibiganin.

Ayoko lang mga pasusyal, ng mga plastik, ng mga hindi totoong kaibigan at walang alam kung hindi ang sirain ka.

Diba?

I DONT NEED THEM.

Waiting....

"Okay class, that's all for today. Have a good day!" Salamat naman at dismissal na din..

Habang papalakad ako sa corridor, lahat ng tao ako ang tinitignan..

Bulong dito, bulong doon, bulong jan.

Sige lang mag-enjoy kayo! Puro kayo chismis..

Nakakainis..

Naku! Mahirap ngang maging personal alalay.

Jusko, parang hindi naman ako P.A ehh.

Parang P.G Panggap Girlfriend..

"Hey Jaena!"

Biglang-bigla naman ako sa lalaking to..

"Balita ko sikat kana daw.." Pero inisnob ko lang siya..

Sikat agad?

Bakit?

Dahil ginirlfriend ako ni Transferee boy.

Asar!!!

Sa lahat naman ng makakasalubong ko eto pang walang kwenta kong EX, at feeling close pa ha.

Tsaka niya ako hinigit sa balikat..

"Aray! Ano ba!? Nanadya kaba!?" Tsaka ko siya tinitignan ng masama. Ang kapal ng pagmumukha nito.

"Oooh. Didn't know that hurts. Sorry. I just want to know kung okay ka ba sakaniya." Tsaka niya ako kinindatan. GRABE ANG KAPAL.

"Pwede ba!? Ano pa bang pakelam mo?" Tsaka ako naglakad palayo.

"Siguro hindi ka masaya sakaniya no? Well ako lagi lang naman akong free. Kahit minsan sa bahay ko lang tayo.." Tsaka ko siya tinignan ng masama.

"BASTOS KA AH! HINDI AKO POKP*K."

Sa inis ko nagdugtong-dugtong pa ang mga sasabihin ko.

"Tama nga sila, once na niloko ka ng isang tao dapat maging masaya kapa kasi HINDI SILA WORTH IT IYAKAN at AUTOMATIC merong mas BEST na darating. At yung taong nanloko sayo, makakatikim ng KARMA, at sa katagalan it's either magsisisi na sila o mas magiging miserable pa bago magsisi."

Aalis na sana ako..

Pero para maliwanagan siya.

"AND THAT'S YOU." Tsaka ko siya itinuro sa dibdib.

At bigla niyang hinawakan ang daliri ko.

Shit, napatingin ako sakaniya.

"Ang tinatanong ko kung masaya ka ba sakaniya.." Tsaka niya ko mas nilapitan at itinulak sa pader..

"A-aray, nasasaktan ako..." Tsaka ko iniiwas ang ulo ko.

Mas lumapit pa siya, shit...

Nang biglang may humigit sakaniya sa likod kaya naman bigla syang lumipad palayo sakin.

THE UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon