JAENA's POV
Simula nung maging kami ni Max, oo naging alive at masayang-masaya ang buhay ko.
1 week na din kasi ang nakakalipas nung tanungin niya ako as a girlfriend niya.
Araw-araw magkasama kami ni Max.
Date dito, date doon.
Lagi niya di akong hinahatid sundo at lagi niyang sinisiguradong safe ako.
Lagi kaming magkatext at magka-call kapag nasa bahay na ako.
He's totally sweet, a very sweet person.
Natatakot nga ako baka mawala yun sa katagalan ehh.
Pero syempre mas magandang i-cherish nalang muna kung anong mga nangyayari ngayon, at wag na munang isipin ang mangyayari sa bukas.
Saturday ngayon at hindi ko alam kung anong schedule namin..
Si Gail naman nalilink na kay Drew.
Oo, nag-aaral na kasi silang lahat sa school namin.
And sila ang pinaka-popular sa school namin, syempre dahil kami ni Gail ang mga kasama nila, minsan nasasama na din kami ni Gail sa mga usap-usapan ng mga tao..
My head's under water but I'm breathing fine
Your crazy and I'm out of my mind...
Ayy, nag-riring ang cellphone ko.
Oo ginawa ko na kasing ringtone to since kinanta to ng boyfriend kong si Max.
Oo boyfriend ko na te!! Inggit ka no! Gwapo nito!
Kinikilig ako kapag naaalala kong kami na talaga ni Max..
Masaya nga naman mabuhay ehh no.
[HELLO!]
nakalimutan kong may tumatawag nga pala sakin.
[Uhm Hello? Sino po sila?]
number lang kasi ang tumawag.
[Wala ka ng pakelam kung sino ako! You dirty little fake!]
[HUH? Wrong number po ata kayo. Pasensya na.] pero di parin siya nagpaawat.
[Ako mawro-wrong number sa tulad mo? You flirt! Nilandi mo ang boyfriend ko!] Tsaka ko narinig ang iyak niya..
[Teka nga, sumusobra kana ah!? Sino ba yang boyfriend mong pinagmamalaki mo.] Pagsasalita ko, wala na kasi siyang respeto sa pagsasalita niya.
Umagang-umaga na-stress agad ako.
[Bobo ka bang babae ka? Si Max, siya ang boyfriend ko na inagaw mo. Sa tingin mo ba mahal ka talaga niya? Well manigas ka! Pagsasawaan ka lang din niya tulad ng ginawa niya sakin.]
Hindi na ako nakakibo sa mga pinagsasabi ng babaeng to..
Ayaw kong maniwala, pero pano ko malalaman?
Bago palang kami ni Max, hindi ko pa siya nakikilala ng buo.
Baka tama nga ang babaeng to..
Pero hindi ako pwedeng basta-basta maniwala..
Ayoko ng masaktan..
Max, sana hindi totoo ang mga sinasabi ng babaeng to.
Hindi naman siguro mageeffort ng ganon si Max kung pagsasawaan lang nya ako...
[Well, goodluck nalang sayo! Kasi for sure ilang weeks lang din hihiwalayan ka na niya. Magpaka-gaga ka hanggang gusto mo, kung ako sayo wag ka ng umasa!]
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED
RomantizmPaano ko maipapaliwanag ang mga bagay na hindi ko naman inaasahang mangyayari? What will you do, if you are ME? My life is full of mess, but not until he came.. I am not just existing anymore! I AM ALIVE, AND LIVING AS JAENA SWITSER because of that...