YKY: 1

15 5 0
                                    

Napatingin ako sa mga kaklase ko. Hindi ko lang maiwasan na maingit dahil kasama nila ang mga pamilya nila sa ngayon, sa isang importanteng pangyayari sa buhay nila.

Graduation.

Sayang nga lang at wala na sina Mama at Papa. Ang alam ko ay namatay sila sa isang kuryente. Umuulan kasi nung time na yun tapos naisipan nilang sumayaw habang umuulan.

Diba ang sweet?

Dahil din sa ka-sweetan nila kaya sila pumanaw. Hawak kamay pa nga nung matumba sila.

Mapait akong napangiti kasi honestly, dapat kasama ko ngayon si Kuya. Sya na lang nga ang natitira kong pamilya tapos wala pa sya.

"Akiyara!"

Napalingon ako sa tumawag at nakita ko si  Lianne kasama ang mga magulang nya.

"Annieeeeee!" agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. "Bess! Na miss kita!"

Umirap sya sa akin. "Gaga ang OA mo naman. Nag pa-picture lang kami doon sa stage." hinampas nya pa ang balikat ko. "Haha. Ikaw ba? Maga pa picture ka?"

Ngumiti lang ako sa kanya at hindi sinagot ang tanong nya.

Obvious na kaya na wala akong kasama.

"Ahh, wala ka bang kasama ija?" tanong ni tita Jeanne, mama ni Lianne.

Napakamot ako ng batok. "Wala po eh, busy po ata si Kuya."

"Busy? Busy na naman ang kuya mo?! Ilang beses na yan ahh. Napapabayaan ka na ng dahil sa kung anong pinanggagagawa nya! Ni wala nga syang oras para kahit man lang isabit sa iyo ang medalya mo! Salutatorian ka pa naman! Ke taas taas ng grado mo sa mga subject, di tulad ng anak ko na puro pampaganda ang inaatupag! Lianne pag ikaw di ka nakapag college at nabuntis ka nang maaga, sinsabi ko sayo papalayasin kitang animal ka! Naiintindihan mo ba ako?!"

"O-opo Ma..." sagot ni Annie sa likod ko.

Wow ah, di ko man lang napansin na nagtago na pala sya sa likod ko.

"At ikaw naman!", she turned to me.

"Ako po?" kinakabahang tanong ko.

"Gusto mo bang sumama sa bahay para sa dinner celebration namin?"

Napapikit pikit ako.

Ano daw?

Puno ng tawanan ang hapag ng pamilyang Ordoñez at sino ang topic? Si Lianne.

Nakisabay na rin ako sa pangangantyaw, kaibigan ko yun eh.

"Huhuhu, Mama grabe kayo sa akin! Bakit kayo ganyan? Yara oh" lumapit sya sa akin at nagsumiksik sa tabi ko.

"Hoy, Annie masikip! Umalis ka nga dyan!"

"No! Ikaw na lang nga ang kakampi ko ayaw mo pa sa akin?" mas lalo pa syang nagsumiksik. "Life is sooooo unfair!"

"Gaga, joke lang yun wag ka magpadala sa mga magulang mo."

Tumawa sina tito at tita.

"Yara? Anong pinagsasabi mong joke? Totoo kaya ang mga sinasabi namin."

Napa face palm na lang ako.

Actually maraming kaibigan si Annie pero dahil sa mga weird nyang magulang ay hindi nya magawang maipakilala ang iba dito. Ako lang talaga ang kaisa isa. Paano nga ba nangyari yun?

Ang naalala ko ay kailangan ko ng perma ng isang magulang para makapunta sa field trip namin dati. Si Kuya naman ay hindi ko mahagilap kaya lumapit na lang ako sa isang babae na nakatambay sa gate at nagmakaawa na permahan nya.

YARIKAYARAWhere stories live. Discover now