Ngmuso ako sa harap ng camera at nag-finger heart.
Nagse-selfie ako ngayon, at mamaya ay ipo-post ko ito sa insta ko at fb. Para naman dumami ang followers at friends ko no! Sawa na ako sa 50 reacts, tapos karamihan galing pa sa mga kaibigan ni tita Jeanne.
Hindi ko nga namalayan na naging kaibigan ko sila sa fb.
Nagapang-add lang naman ako at confirm nang kahit sinong makita kong nakarekomenda sa akin. Akala ko kasi dati ay paramihan ng friends ang fb! Hindi pala! Kaya ayun, pahirapan akong mag unfrined!
Ang mga in-unfriend ko lang naman ay ang mga hindi ko kilala, pero mga kaibigan ni tita Jeanne? Nah, I kept them. Para naman dumami ang mga likes, hearts, comments at share ko.
Sayang nga land kasi wala na dito sa Pilipinas sila Tita.
Nakangiti ako habang ina-upload sa insta ang mga kinuha kong picture kanina.
Yung ceilling, yung aircon ng tinutuluyan ko, yung sapatos, yung bintana, pati na rin yung alikabok sa mesa, lahat! pinicturan ko na! Lahat nang makita kong pwede maging aesthetic ay pinicturan ko sabay upload sa ig.
Tignan lang natin ngayon kung hindi niyo pa i-heart yan!
Patawa-tawa akong bumaba ng hagdan bago itinago ang cellphone ko sa bulsa ko.
Dahil nasira ang cellphone ko, dahil sa akin pero naguilty si sir kasi akala niya siya dahilan, binilhan niya ako ng cellphone.
Yung Iphone na tatlo ang camera sana ang ibibigay niya sa akin, yung Iphone 13 Pro Max, pero tumanggi ako. Nakakhiya. Ang pangit pangit ko tapos tatlo ang camera nun? Tatlo ang camera nun sa likod, huwag ka! Tapos may isa pa sa harap, pangselfie! Edi apat!
Hindi ko naman matanggap yun, nakakahiya.
I mean... sino ba naman ako para bilihan niya ng cellphone?
Grabe! Ang mahal mahal nun! Sobra kalahati na nang natanggap kong bunos mua kay sir! 62,990.00 Pesos, walang hiya!
Hindi ako sure kung yun ba ang price, pero ginoogle ko kasi siya. Tinype ko sa google ay, "iphone 13 pro max price ph" at yun ang lumabas.
Nakakalula, kaya todo tanggi ako sa kaniya. Buti nga at tinanong niya lang ako, at hindi niya pa nao-order, kundi, masasayang lang yun.
I'm not that materialistic, you know? Hindi din ako ganon ka-kapal ng mukha katulad ng kuya ko, medyo mukhang pero, but kuya is much much more!
So, nung tinanong ako ulit ni Boss Jiro kung anong cellphone na lang raw ang tatanggapin ko, sinabi ko na yung fip phone.
Flip phone ng Samsung!
Isang linggo na akong nagtatrabaho rito sa pamamahay ni Boss Jiro, no joke mga pre.
Wala naman akong ibang ginagawa kundi ang maglinis ng maglinis, ng maglinis, ng maglinis!
Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba yun, o ikakagalit. Bored na kasi ako, tapos hindi pa ako pwedeng lumabas ng bahay. kahit hanggang doon lang sa garden maze ni boss, bawal pa rin. Maski nga ang paglabas ko ng isang paa sa harap ng pinto ay ipinagbabawal niya rin.
Ano ba, Kim Chu ka ba Boss Jiro?
Bawal lumabas oh, bawal lumabas~~
Grabe niya kahigpit shit! Pero kahit ganon, guwapo naman kaya keri lang ang mastuck dito sa bahay!
Well, the problem is, hindi lumalabas ng kwarto niya tuwing umaga si Boss Jiro! Tuwing gabi lang! Kung kailan mahimbing na ang tulog ko! Kaya ayun, wala akong nakikitang gwapo na naglalakad sa loob ng bahay. Ako lang mag-isa.
