Dahan dahan ang pag bukas ng pinto papuntang basement. Parang sa mga horror movies ganon. Yung may mga creaking sound.
Friction.
Kulang sa langis ang pinto na to. De bale, mamaya pag nakita ko na ang tinatago ni kuya rito sa baba ay lalagyan ko ng langis ito. Pag kulang pa rin, ibubuhos ko na lang ang mantika. Tapos iprito ko.
Ang talino ko talaga noh? Baka with high to.
Dala dala ang cellphone ko, yun ang ginawa kong flashlight para alalayan ako sa pagbaba. Dere deretso lang ang tinahak kong daan hanggang sa marating ko ang lapag ng basement na ito.
"Hmmm, saan na nga ang switch?"
Natigilan ako para lang alalahanin lang sa kaliwa ba o kanan ang switch ng ilaw. Ang tagal naman kasi ng huling punta ko rito. Nung buhay pa ata ang mga magulang ko at dito ako sa basement nagtatago para hindi ako matulog sa tanghali.
Oh, sa sobrang tago ko ni hindi na ako lumaki.
Kaya guys, huwag tayong magsskip ng tulog sa tanghali ah?
Tapos nung kaming dalawa na lang ni kuya, na busy ako sa pag-aaral, si kuya naman na busy sa paghahanap ng trabaho kaya ako lang palagi ang naiiwan sa bahay. Kabsado ko na ang kasuluk-sulokan ng bahay na ito, pero dito sa basement? Wala, nakalimutan ko na.
Mga ilang minuto pa ang ginugol ko sa pag iisip hanggang sa humarap ako sa kanang pader at doon hinanap ang switch.
Palakpakan nyo raw ako, nahanap ko eh.
Pag pindot ko ay sumalubong sa akin ang mga gamit na natatakpan ng mga puting tela at nagsiliparang mga alikabok.
"Pwe!" agad kong tinakpan ako ilong ko ng panyo.
Nang mawala wala ang mga alikabok na yun ay nagpatuloy ako sa pagwa-wander.
Wala naman talagang nakalagay dito dati, pero nung mawala ang mga magulang ko dahil sa kalandian--- este, dahil sa pagka-kuryente, dito na binaba lahat ni kuya ng mga gamit nila.
Oo, si kuya lang lahat ang naglipat ng mga bagay nila rito. Masyado kasing cheap, ayaw gumastos ng pera para magbayad ng mga tao magtulog maglipat. Ganon din sa labas ng bahay, yung dati naming garden naging mini forest na dahil sa kagagawan niya.
Nung una ayos pa, naalagaan niya pa ang mga bulaklak nila mama, at natutulong tulungan ko pa sya sa mga gawaing bahay. Pero nung nag pasukan na, hindi na namin naasikaso pa. Idagdag mo ang katohanang palagi ring wala si kuya sa bahay tapos away niyang mag iwan ng pera pambayad sa magtatabas, ayun, naging ganon.
Sa kaniya ko sinisisi lahat ng bagay kasi inosnte ako. Not that innocent, pero inosente ako. Tsaka, siya naman ang may kasalanan kasi ayaw niyang gumastos ng pera pambayad sa mga tauhan! Pati nga walis namin, 3 years na! Tapos yung mga ilaw sa bahay, pundi na, ayaw niya pang palitan. Kaya naman ang sala lang namin ang maliwanag, at mga lamp na lang ang ilaw namin sa kwarto. Ang cr? Sus! Flaslight lang katapat niyan!
Buti nga hindi niya pa ako pinipilit na gumamit ng paper plate kesa sa totoong plato, para iwas hugas. Promise, pag umabot kami sa punto na yun, maglalayas na ako!
Takip-ilong akong nag ikot ikot sa loob ng basement, Minsan natutuwa sa mga bagay na nakita ko,minsan naman bumabalik ang kahiyaan ko.
Nakita ko kasi ang belt ni papa. Ito kasi ang pamalo niya dati kapag hindi kam.
Nilagpasan ko na lang ang box na pinaglalagyan nun kasi kung hahalungkatin ko pa, ay wala akong matatapos.
You know, may misyon ako rito, hanapin ang tinatago ni kuya!
