YKY: 10

3 3 0
                                    

But I never get to hear the answer to my question. Rather, I don't wanna hear his answer.

Masaya na ako sa kung ano kaming dalawa ngayon. Kung mapupunta man ito sa next level, mas ikakatuwa ko. Pero ngayon? I-enjoy ko muna ang atensyon at pag-aalaga niya sa akin. 

Masaya ako tuwing kasama siya, masayang masaya, ngunit hindi ko alam kung ito ba ang dapat o hanggang saan lamang ang aking pagkagusto sa kaniya.

What if one day ibalik niya ako kay kuya? What if one day hindi na ganon ang pakikitungo niya sa akin? What if one day... marealize ko na assuming lang talaga ako at nilalagyan ko ng malisya ang lahat ng ginagawa ni boss para sa akin?

No. I dont think I can take that.

Parang masakit. Masakit na masakit. Yung tipong, iiyak na lang ako sa isang tabi habang inaalala ang pagsasama namin.

At sa totoo lang, ayoko itong maranasan. At least, not from him.

I'll just... live happily now and worry about my problems later.

Wala namang masama sa ganun diba? Hindi naman nakakasama ang ginagawa namin ngayon hindi ba? Walang masasaktan? 

Lumabas kami nang mall nang parehong may bitbit na mga paperbag mula sa mga kilalang brands.

Si Boss Jiro ang may pakana nito, hindi ako.

Pagkatapos kasi naming kumain ng tanghalian ay agad na kaming nagtungo sa mall at namili ng mga damit ko. Binilhan na rin ako ni Boss Jiro ng mga kakailanganin kong gamit sa pagtira s amansyon niya, tulad ng mga shamppoo, tootbrush, lotion---- lahat kasi ng mga ginagamit ko ay kaniya. SIguro nanawa na siyang magpahiram, kaya binilihan niya na lang ako.

Hay. Kung ano man ang rason niya sa paggawa nun, hindi ako galit.

I mean, sinong magagalit sa libreng mga damit at gamit?! Oh diba wala?! 

Feeling ko isa akong linta kasi pinapakinabangan ko lang ang pera ni Boss Jiro kahit na hindi masyadong mahirap ang mga gagawin ko. 

Feeling linta man ako, atleast maganda.

Beauty above all, nga diba?

At least maganda ako. Period.

"Give it to me Miss Yara. Ako na ang maglalagay sa sasakyan, pumasok ka na at maupo. Baka napagod ka sa paglalakad."

Dahan dahan akong tumango kay Boss Jiro at sinunod ang sinabi niya. Binigay ko sa kaniya ang mga paperbag na hawak ko at pumasok na sa loob ng sasakyan niya.

Kita ko ang ginawang paglagay niya ng mga gamit mula sa rear-view mirror ng sasakyan niya.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung deserve ko ba talaga ang lahat ng ito.

Saan ka ba makakakita ng katulad ko?! Ako ang yaya sa aming dalawa, pero ako ang nai-spol to the max. Lahat ng gusto ko nasusunod, at palagi siyang nakikinig sa mga sinasabi ko. He always make me his top priority.

And fuck it, nafa-fall na ako...

Sinara niya ang trunk ng sasakyan niya at pumunta sa driver seat. Tinignan niya ako nang makaupo siya at nang makita niyang nakapag safe belt na ako ay bigla siyang sumimamangot.

Naguguluahan ko tuloy siyang tinignan.

Ahh, come to think of it, sumimangot din siya kanina nung nakabit ko ang safe belt ko nang mag-isa. 

Umirap siya sa akin at nagbulong-bulong sa hangin na pwet niya lang ang makakarinig.

Bakit kaya siya galit nun? At bakit rin siya galit ngayon?

YARIKAYARAWhere stories live. Discover now