Ding!
Bumukas ang elevator at lumabas kaming magkapatid ng parang walang nangyari.
Sinabihan kasi ako ni kuya na dapat daw maging professional pagdating sa pupuntahan namin, It was the CEO office. So, inayos ko ang posture ko and put on my poker face. Naglagay rin ako ng kaunting make up kung saan jinudge naman kuya ang buong pagkatao ko. Hindi ko na lamang siya pinansin. Hes not that worth it after all.
I mean, ano naman pala kung secretary siya ng CEO ng company na ito at hindi niya sa sinabi sa akin? Ano rin pala kung hindi niya sinabi sa akin?
Hahaha, ayos lang ako. No lie. Medyo masakit lang ang pakiramadam, este ang puson ko. Ganyan naman diba? Kapag may hindi sinasabi sayo ang kuya mo ay sumasakit ang puson mo... or ako lang?
"Ayusin mo ang mukha mo. Mukhang kang robot kesa sa nag-aaply ng trabaho."
Tumaningin ako sa kaniya at nagtanong, "Are you sure?" he nodded as a reply. "Pero diba sabi mo kailangan kong maging professional?"
He sighed. "Oo nga, sabi ko professional, hindi robot. Kaya ayusin mo ang sarili mo, nandito na tayo,"
We stopped in front of an office. May dalawang halaman sa tabi ng pinto, but later on I realized na fake plant pala ito. Sobrang linis ng paligid, at nang sumilip ako sa loob ay, napaka-ayos ng mga gamit, organize na organize, pero mukhang walang tao.
Wala kasi akong nakitang lalaki na naka upo sa swivel chair doon sa mesa. Hindi bat dapat nandoon palagi ang boss? Nakasimangot at pinapahirapan ang mga secretary nila? Pero bakit walang tao doon?
Kumatok sa pintuan sa kuya at nang walang sumagot, biglaan niya na lamang sinipa ang pinto nito, hindi inalintana kung naka lock ba ito o hindi, at pumasok sa loob.
Nanlalaking mata naman ako habang nakanganga nang makita ko yung ginawa niya.
Is he serious?! Ganiyan ba dapat umakto ang secretary sa office ng boss niya?
I get it na pinto lang naman yun... pero sipain? Where did his sanity gone into?!
Wow ahh, saludo ako sayo kuya Akiles! Huwag ka sanang masisante kasi wala na akong sponsor para sa college ko.
"Sir Albrecht?"
Napa iling iling na lamang ako, bago pumasok na rin sa office.
Uupo pa lamang ako sa couch ng biglang lumapit si kuya sa akin at hinila ako palabas. I was dumbfounded at wala ako kaagad nasabi.
Hinila niya ako papuntang elevator, palabas ng company, pati na rin papasok ng kotse. Napanganga na lang tuloy ako.
"What just happened?" wala sa sariling tanogng ko nang bigla akong matauhan.
Shit, nasa kotse na pala kami at nakakabit na ang safe belt ko? Wow ahh, salamat kuya.
"Wala sa office si sir. Wala rin siya sa company." maikling saad ni kuya bago pinaandar ang kotse niya.
"So?" tumaas ang kilay ko at nag antay ng idaragdag niya.
"So, we will go directly to his house."
Tumango ako sa kaniya at sinandal ang likod ko sa upuan, But wait, ano raw?
"What?! Pupunta tayo sa bahay ng boss mo?!" I asked, panicking.
My brother gave me a side glance bago bumalik sa pagda-drive.
"Yes, we will go to Jiro's house, so little sister, you better behave alright? Ayoko mawalan ng pera dahil sayo."
Is he fucking serious?
![](https://img.wattpad.com/cover/268394287-288-k486069.jpg)