YKY: 6

7 4 1
                                    

"ANg gwapo mo sir!" magiliw na papuri ko sa kaniya.

Saglit naman siyang natigilan sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya at nakita ko ang bahagyang pamumula ng pisnge niya at ng tainga niya.

Shit. 

Mas lalo tuloy akong nagwapuhan sa kaniya dahil sa ekspresyon niya ngayon! 

Yung gulat, nanlalaki ang mga mata at nangamatis sa sobrang pula! Dumagdag pa sa kagwapuhan niya ang magulo niyang buhok na walang suklay!

Kahit kasi hindi maayos ang buhok niya, gwapo pa rin siya!

Shit Boss, huwag niyo na akong ibalik sa kuya ko! Screw him! Dito na lang ako sa pamamahay niyo! Susundin ko lahat ng utos niyo, promise! Basta gwapo kayo sir, tsk, ashan niyo, I'm at your service!

Sus! Baka Akiyara Wright ito! Hindi mali!

"Ahahahahaha," awkward siyang tumawa at agad na tumayo, at tumalikod sa akin. "Anyway, halika na! Dadalhin kita sa magiging kwarto mo habang sinasabi ko ang mga kailangan mong sundin sa pamamahay na ito. Ayos lang ba?"

Tumango ako sa kaniya nang nakangiti, kahit na hindi niya makita, syempre, kasi nakatalikod ang boss Jiro niyo. Hindi ko alam kung bakit, pinuri ko lang naman siya tapos biglang tumayo at tumalikod.

Iniiwasan ata ako.

Penge naman ng tips diyan guys para tumingin siya sa akin at ako na lang makita niya, wala ng iba.... charot lang! Aral muna bago landi.

"Ito ang mga kailangan mong sundin habang nasa pamamahay kita."

Tumango ako at agad na sinundan si Boss Jiro. Ang bilis niya kasi maglakad! Kakalabas lang namin sa puting kwarto na yun pero siya pababa na ng hagdanan samantalang wala pa ako nakakapampitong hakba,ng! 

Oh diba? Ang bilis!

"Number 1, bawal kang lumabas sa pamamahay na ito ng walang permiso ko. Bawal kang lumabas, pumunta ng maze garden, kahit na isang paa mo lang ang nakalabas sa harap na pinto ay ipinagbabawal ko rin. Naiintindihan mo ba?!"

Tumango ako at pilit na binibilisan pa ang lakad ko habang sinusulat sa notebook na binigay niya sa akin ang mga sinasabi niya ngayon.

"Number 2, bawal kang lumabas ng kwarto mo tuwing gabi. Bawal na bawal yun. Hindi kita papalagpasin kahit ano pang excuse ang ibigay mo sa akin. Basta pagsinabi kong bawal, bawal. Noted?"

"Number 3, saktong 12 ng tanghali ay tutunog ang malaking orasan na nasa sala att kapag tumunog yun, dapat tapos ka nang magluto ng tanghalian ko at dapat maihataid mo na ito bago mag 12:05 pm. Hindi ko tatanggapin ang pagkain na ibibigay mo sa akin kapag nalate ka ng kahit isang segundo. Okay?"

"By the way, tanghalian ko lang ang kailangan mong ihatid sa akin. Hindi kasi ako kumakain ng agahan at hapunan. Kaya, ikaw na ang bahala kung anong lutuin mo tuwing nagugutom ka, basta pagkatapos mong gamitin ang kusina ko ay ligpitin mo ito. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay ang makalat, naiintindihan mo ba?"

"May mga taong pumupunta rito tuwing Sabado. At kapag nandito sila, gusto kong i-inform mo ako kaagad. Yun lang ang gagawin mo. Pagkatapos nun ay doon ka na muna sa loob ng kwarto mo hannggang sa maka-alis ang mga tao na yun."

"Ah... kung nagtataka ka, yung mga tao na tinutukoy ko na yun ay ang mga kasambahay na hinire ng mga magulang ko, slash, mga spy nila. Kaya, kapag nandiyan sila, huwag mo silang haharapin at agad mong sabihin sa akin. Okay?"

"Sihuraduhin mo rin na kapag nandito sila ay natago mo lahat ng mga gamit mo. At kung pupwede, magmukha kang invisble kapag nandito sila. Ayokong ma-issue dahil lamang tinulungan ko ang kapatid ng kaibigan ko... hays."

YARIKAYARAWhere stories live. Discover now